Ang Pag-ibig ay Kumikilos--Maranasan ang Buhay na may Pag-ibig na GumagawaHalimbawa

Sumama sa Pakikipagsapalaran ni Jesus
Hindi laging ipinapaliwanag ni Jesus ang lahat nang detalyado. Kung may sasabihin sa akin ang isang taong pinagkakatiwalaan ko, at alam kong ito ay para sa aking kapakanan, pinagkakatiwalaan ko lang ito. Okay lang ako sa posibilidad na may mali, lalo na kapag tinitimbang ko na maaaring tama sila at magiging mas maganda ang buhay ko kung gagawin ko ang iminumungkahi nila. Gayunman, ako ay isang abogado. Nakikitungo ako sa mga taong madalas na may itinatago bilang bahagi ng trabaho, kaya hindi ako madaling makumbinsi. Natutunan kong patalasin ang aking intuwisyon tungkol sa kung bakit may nag-aalok sa akin ng mga ideya. Natagpuan ko na ang isa sa mga pinakamahusay na pansala na magagamit mo upang magtiwala sa isang tao ay kapag wala silang mapapala sa kanilang payo.
Narito ang ibig kong sabihin. Maraming mga tao ang may mga anggulo na nakakabit sa kanilang mga relasyon. Sasabihin o gagawin nila ang isang bagay at malalaman mo sa ibang pagkakataon na talagang may gusto silang isang bagay bilang kapalit.
Ang gusto ko kay Jesus ay hindi Niya sinubukang kumuha ng mga tao. Ni Siya o ang Kanyang mga disipulo ay hindi kailanman nagsabi na sila ay pupunta sa isang paglalakbay sa misyon, dahil hindi naman talaga. Inimbitahan lang Niya ang lahat at sinabing maaari nilang sundin Siya. Hindi Siya gumamit ng malalaking salita o Christian code para ipahiwatig sa mga tao na gusto Niyang protektahan ang Kanyang reputasyon. O pag-usapan ang lahat ng mga bagay na gagawin Niya o ang bilang ng mga tao na kailangang "magdasal ng panalangin" upang tanggapin Siya. Hindi Niya ipinakita ang plano ng Diyos na parang prospektus na nangangako ng pakinabang.
Hiniling lang Niya ang mga tao na sumama sa pakikipagsapalaran. Ito ay parang pagsasabi ni Jesus, bukod sa iba pang mga bagay, na ang isang relasyon sa Kanya ay hinditalaga mauunawan o magbibigay ng seguridad. Ang pananampalataya ay hindi isang ekwasyon o isang pormula o isang negosyo kung saan makukuha mo ang gusto mo. Sa madaling salita, walang anuman sa kabilang panig, si Jesus lang.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang 7-araw na gabay sa pagbabasa na ito ay batay sa aklat ni Bob Goff tungkol sa pamumuhay na ganap na nakatuon at puno ng kapritso. Alamin kung paano ka makakagawa ng pagbabago sa pamamagitan ng paglagpas sa yugto ng pagpaplano tungo sa "paggawa" na bahagi ng pananampalataya—dahil ang pag-ibig ay hindi lamang patuloy na pag-iisip o pagpaplano tungkol dito. Sa madaling salita: gumagawa ang pag-ibig.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

Prayer

Mag One-on-One with God

Ang Kahariang Bali-baliktad

Masayahin ang ating Panginoon

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Sa Paghihirap…

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan
