Paskong Pampamilya: Isang Debosyonal para sa mga BataHalimbawa

Isang Taong Mula sa Puso ng Diyos
Ni Danny Saavedra
“Hindi ba sinasabi sa kasulatan na ang Cristo ay magmumula sa lipi ni David, at ipanganganak sa Bethlehem na bayan ni David?” – Juan 7:42 (RTPV05)
Isipin na ikaw ay papipiliin sa dalawang regalo. Sinabi sa iyo na ang laman ng isa sa mga regalo ay $100, at ang isa ay $1. Ang isang regalo ay malaki at napapalamutian nang maganda sa labas, samantalang ang isa ay payak lang. Ano ang pipiliin mo? Marahil marami ang pipili sa magandang regalo, iniisip na nasa loob ang $100.
Sa Biblia, natutuhan natin ang tungkol sa lalaki na nagngangalang David. Noon, ang bayan ng Israel ay walang hari, at ang mga tao ay nais magkaroon ng hari. Ito ay parang ang isang bayan ay walang pangulo. Kaya ibinigay ng Diyos si Haring Saul, subalit kinalaunan siya ay tumalikod sa Diyos.
Iyon ang panahon nang sinugo ng Diyos ang lalaki na nagngangalang Samuel upang humanap ng bagong hari. Nang magtungo si Samuel sa bahay ni Jesse, naisip niya na tiyak na nais ng Panginoon ang panganay at pinakamalaking anak ni Jesse ang magiging hari. Sa halip, pinili ng Panginoon ang pinakabatang anak, si David, na nasa labas na nagbabantay ng mga tupa.
Pinili ng Diyos si David kahit hindi siya kasing taas at kasing kisig ng kaniyang nakatatandang kapatid. Hindi inalintana ng Diyos na si David ay hindi mukhang malakas na hari. Sa halip, pinili siya ng Diyos dahil batid Niya na mahal Siya ni David nang buong puso at masunurin sa Kaniya.
Katulad ng Diyos, huwag nating husgahan ang regalo, ang tao, o anumang bagay sa kung ano ang hitsura nito sa labas. Ang mahalaga ay ang nasa loob!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa 12-araw na espesyal na debosyonal na ito, matutuklasan natin kung paanong ang Diyos ay gumawa ng paraan upang tayo ay maging bahagi ng Kaniyang pamilya habang tinatahak natin ang daan sa talaangkanan ni Jesus.
More