Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Panibagong Simula | 5-Day Series from Light Brings FreedomHalimbawa

Panibagong Simula |  5-Day Series from Light Brings Freedom

ARAW 3 NG 5

Patungo saan? 


Itinuro ni Jesus ang patungkol sa dalawang daan – ang isa’y patungo sa buhay, at ang isa nama’y patungo sa kamatayan at walang hanggang kapahamakan. Araw-araw tayong kumakaharap sa mga pagpapasiya. 


Ano kaya ang pipiliin natin? Ang mga maliliit na pagpipiling ito ay mahalaga dahil lahat ay may kahihinatnan.  At ang bawat isa sa atin ay responsable sa kanyang sariling mga desisyon. 


Nasa Sa Iyo!


Darating ang araw na magbibigay-sulit tayo sa Diyos, ang ating Manlilikha, sa lahat na ginawa natin sa buhay na ito.  Gusto mo bang mamuhay ng tama at lumakad sa daan ng buhay? Tinuturo ng Biblia na si Jesus ang DAAN, ang Katotohanan, at ang Buhay. 


Piliin nating Siyang tanggapin at mamuhay tayo sa paraang nais Niya. Alam mo? Hindi tayo pababayaan ni Jesus. Siya mismo ay tutulong sa atin na pumili ng tama upang maranasan natin ang tunay na kalayaan. 


Ang ating huling destinasyon ang nakataya sa mga desisyong ito. Piliin natin ang buhay! 


Tandaan mo: Nasa sa iyo ang piliing isuko ang buhay kay Jesus at lumakad sa daan ng kalayaan.



Ang gusto Niyang gawin:



  • Bigyan ka ng tunay na buhay, kinabukasan at pag-asa.

  • Palakasin ka upang gumawa ng mga tamang pagpipili araw-araw.

  • Ipakita sa iyo ang pinakamainam na daan para sa iyong buhay.


Pag-isipan:



  • Paano inilarawan ni Jesus ang dalawang daan?

  • Handa ka bang piliin ang daan ng buhay ng may buong puso?

  • Ano ang ilang paraan na ginagawa ng tao upang hanapin ang buhay at kasiyahan?

  • Mayroon bang ibang daan patungo sa buhay, maliban kay Jesus?

  • Kailan ang tamang oras para pumili?


Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:


Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Panibagong Simula |  5-Day Series from Light Brings Freedom

"Try again," daw, pero paano nga ba? Marami ang nagnanais ng panibagong simula sa buhay... pero hindi nila alam kung paano maumpisahan. Ito rin ba ang feeling mo? Samahan mo kami sumandali at pag-aralan natin kung paan...

More

Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya