Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Unawain ang SabbathHalimbawa

Understanding the Sabbath

ARAW 4 NG 4

Si Jesus ang Ating Kapahingahan

Noong Araw 2 ng Gabay na ito, binasa at tinalakay natin ang sipi mula sa Mateo 12 kung saan si Jesus ay naglalakad sa bukirin ng mga trigo kasama ng Kanyang mga alagad. Nagsisimula ang Mateo 12:1 ng “Nang panahong iyon,” (ABTAG01) na hindi bumabanggit na ang sunod na mangyayari ay kasunod ng isa pang pangyayari. 

Kung babalikan natin ang duluhan ng naunang kabanata, makikita natin ang isang popular na sipi na nagbibigay ng kaaliwan sa ating mga tagasunod ni Jesus. Ang Mateo 11:25 ay nagsisimula kay Jesus na nananalangin sa Kanyang Ama at sa mga sunod na bersikulo, Siya naman ay nagsasalita tungkol sa Kanyang Ama sa mga taong nakikinig. 

Tapos sinabi ni Jesus, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.” Mateo 11:28-30 ABTAG01

Sa ilang siglo, mahigpit na pinanghawakan ng mga Judio na ang kanilang araw ng pahinga ay ang Sabbath. Ang ibang anim na araw ay para sa trabaho. Sa tatlong mga bersikulong ito, sinasabi ni Jesus sa mga tao na Siya ang kanilang kapahingahan, hindi isang partikular na araw sa linggo. 

Ang bawat araw ay may dalang sariling mga paghahamok at paghihirap. May mga trabaho tayong gagawin, mga anak na palalakihin, mga relasyon na pananatilihin, mga taong mamahalin, at mga isyung panlipunan na pakakaayusin. Hindi ba't tunay na makakapagpalaya ang panghawakan ang mga salita ni Jesus at talagang“Lumapit sa kanya” kapag tayo'y nanlulupaypay at lubhang nabibigatan? Upang maranasan natin ang Kanyang kapahingahan “sa ating mga kaluluwa”? Bilang mga tagasunod ni Jesus, maaari natin itong gawin kahit kailan at hindi na kailangang antayin ang Sabbath. 

Ang prinsipyo ng Sabbath ay nakakabuti at marapat nating isakatuparan sa ating mga buhay. Matalino ang maglagak ng panahon sa bawat linggo kung kailan titigil muna tayo sa pagtatrabaho upang mapanumbalik ang sigla. Panahon kung kailan maaaring tamasahin ang mga relasyong pinakamalapit sa atin. Ngunit, kay Jesus na nagliligtas sa atin at nangunguna sa ating mga buhay, kamangha-mangha na kahit kailan sa anumang araw sa anumang kapanahunan, maaari nating maranasan ang kapahingahan dahil si Jesus ang ating kapahingahan

Dahil Siya ito, maaari talaga nating maranasan ang Sabbath nang kaunti bawat araw. Heto ang ilang mga mungkahi sa kung paano natin mailalalakip ito sa ating pang-araw-araw na buhay:

  • Simulan ang bawat araw kasama ni Jesus. Gumugol ng ilang minutong nakasentro ang sarili sa Kanya, na hinihiling sa Kanyang gabayan ang iyong araw, at bigyan ng mga matang makita kung saan Siya gumagawa. Pag-isipang panuorin ang kuwento ng Bersikulo ng Araw sa App ng Biblia.
    • Magtabi ng 15-30 minuto sa bawat araw para magawa ang isang bagay na makakapanumbalik ng iyong sigla. Maaring ito ay pagbabasa ng isang aklat, paggugol ng panahon kasama ng mga malalapit na kapamilya at kaibigan, o pagpunta sa gym.
    • Kung may bagay na nagpapabigat sa iyong damdamin, tumigil panandali kung nasaan ka at ibigay ito kay Jesus sa panalangin. Maaaring manalangin ng, “Jesus, binibigay ko sa Iyo ito sapagkat alam kong madaling dalhin ang Iyong pamatok at magaan ang Iyong pasan.”

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Understanding the Sabbath

Ang karamihan sa atin ay labis-labis magtrabaho at pagod na pagod, kaya't ang konsepto ng Sabbath ay talagang mahalaga. Ang igalang ang Sabbath ay nangangahulugang pagturing ditong banal, at ang pagturing na banal ay ang paglalaan at pagrereserba nito. Marapat na naiiba ang ating Sabbath kaysa anim na araw sa ating buong linggo. Sa Gabay na ito, tatalakayin natin kung ano ito, kung ano ito hindi, kung ano ito sa kasalukuyan, at ang pagsumpong sa tunay na kapahingahan kay Jesus.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at ibinigay ng YouVersion