Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagbibilang ng mga Araw Bago Sumapit ang PaskoHalimbawa

28 Days to Christmas

ARAW 23 NG 29

Tulad ni Maria na pinili para maging ina ni Cristo, si Jose ay napili para maging ama ni Jesus sa lupa. Ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagtitiwala sa pagkatao ni Jose nung Kanyang ipinagkatiwala sa isang mapagpakumbabang karpintero ang pagpapalaki ng Kanyang Anak. Isang paraan kung paano pinalaki ni Jose si Jesus ay sa pamamagitan ng pagtuturo kung paano gumawa ng mabubuti at magagandang bagay mula sa kahoy. Malamang na si Jesus ay naging karpintero hanggang Siya ay naging 30 taong gulang.

Magbigay sa bawatbata ng maliit na martilyo, mga pako at magagaang na kahoy. Ipakita sa kanila kung paano magpako, depende sa kanilang kakayahan, ipako ang mga kahoy. Pag-isipan kung paano nagtrabahong magkasama si Jose at si Jesus. Ano kaya ang mga posibleng naiturong gawin ni Jose kay Jesus?

Para sa karagdagan, bisitahin ang www.thrivingfamily.com/advent

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

28 Days to Christmas

Maligayang pagbati sa 28-Araw na Advent Activity ng Thriving Family! Huwag palampasin itong oportunidad na ito para matuklasan ang totoong kahulugan ng Pasko at para mas maging malapit sa isa't-isa ang iyong pamilya! Ang mga gagawin dito ay nilikha para mas tumuon ang iyong pamilya kay Cristo sa panahon ng Pasko!

More

Nais naming pasalamatan ang Focus on the Family and thrivingfamily.com sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: thrivingfamily.com/advent