Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagbibilang ng mga Araw Bago Sumapit ang PaskoHalimbawa

28 Days to Christmas

ARAW 14 NG 29

Maglaro ng taguan sa loob ng ilang minuto, at hayaang magtago ang iyong mga anak. Pagkatapos na mahanap nang paulit-ulit ang mga pinagtataguan ng iyong mga anak, tanungin mo sila kung sa palagay nila ay makakahanap sila ng mapagtataguang lugar na hindi mo sila kailanman mahahanap. Ngayon ay ipaliwanag na sinubukang magtago ni Jonas mula sa Diyos dahil ayaw niyang sundin ang Kanyang utos.

Ipakita sa kanila kung paanong inilarawan ni Jesus ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay gamit ang kasaysayan ni Jonas. Sabihin sa iyong mga anak na kalaunan ay sumunod si Jonas sa Diyos, at ang mga naniwala sa mensahe ni Jonas ay naligtas. Kaya, ganoon din, lahat ng naniniwala sa mensahe ng Ebanghelyo ay maliligtas.

Para sa karagdagan, bisitahin ang www.thrivingfamily.com/advent

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

28 Days to Christmas

Maligayang pagbati sa 28-Araw na Advent Activity ng Thriving Family! Huwag palampasin itong oportunidad na ito para matuklasan ang totoong kahulugan ng Pasko at para mas maging malapit sa isa't-isa ang iyong pamilya! Ang mga gagawin dito ay nilikha para mas tumuon ang iyong pamilya kay Cristo sa panahon ng Pasko!

More

Nais naming pasalamatan ang Focus on the Family and thrivingfamily.com sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: thrivingfamily.com/advent