Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Buksan Sa Panahon Ng Kagipitan Halimbawa

Open In Case Of Emergency

ARAW 1 NG 14


 


Si Jesus ang may kontrol

Kung sakaling makapaglakad ka sa baybayin ng Dagat ng Galilea, wala kang makikitang maraming tahanan doon. Iyan ay dahil ang mga Judio ay may negatibong pananaw sa tubig. Alam mo, ang salitang Hebreo para sa tubig ay mayim, na nagsisimula sa salitang ugat na mah na nangangahulugang kaguluhan. At kung isasaalang-alang mo ang ilan sa mga kuwento sa Biblia, madaling maunawaan kung bakit sila natatakot;


- Sa Genesis, ang simula ng paglikha ay isang matubig na kaguluhan kung saan dinala ng Diyos ang kaayusan.


- Binaha ng tubig ang mundo sa panahon ni Noe.


- Si Jonas ay itinapon sa dagat noong tumalikod siya sa Diyos.


- Ang mga Israelita ay nailigtas lamang nang hatiin ng Diyos ang Dagat na Pula.


Kaya, nang “ipilit” ni Jesus sa Kanyang mga alagad na tumawid sa Dagat ng Galilea tungo sa isang napakalaking bagyo, naniniwala ako na may mahalagang bagay Siyang ipinapaalam sa kanila. At nang iligtas sila ni Jesus sa pamamagitan ng paglalakad sa ibabaw ng tubig, sadyang ipinapakita Niya sa Kanyang mga tagasunod na Siya ang nasa ibabaw ng lahat ng kaguluhan sa kanilang buhay, at may kontrol sa bawat sitwasyon.


Anuman ang napakabigat o nakakatakot na sitwasyon na kinakaharap mo, alalahanin mong hindi lamang si Jesus ang may ganap na kontrol sa iyong kaguluhan, tinatawag ka rin Niya upang makayanan ang kaguluhan kasama Niya.


[Mag-click dito para sumali sa komunidad ng BibleInPhotos at makakuha ng pang-araw-araw na debosyon]


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Open In Case Of Emergency

Lahat tayo ay maaaring dumaan na sa isa sa mga unos ng buhay, nasa gitna ng unos ngayon, o haharap sa isa sa mga unos ng buhay sa malapit na hinaharap. Ang 14 na araw na debosyon na ito ay magpapaalala sa iyo na si Jesus...

More

Nais naming pasalamatan si Dave Adamson sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: Instagram.com/aussiedave

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya