Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Panalangin ng PanginoonHalimbawa

The Lord's Prayer

ARAW 4 NG 8

Layunin


Nawa'y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit


May dalawang malaking katanungan sa buhay. Ang una ay personal: bakit ako naririto? Ang pangalawa ay pangkalahatan: saan papunta ang mundo? Ang mga ito ay ‘ano ang punto?’ na mga katanungan at napakahalaga. Kung tutuusin, maraming mga tao ang malungkot at atubiling magpasiya na walang kabuluhan ang buhay o ang sansinukob. At ang maniwala na walang kabuluhan ang buhay ay lubhang nakakalungkot; ito ay isang ideya na pumipigil sa anumang motibasyon o determinasyon. Ang pinakamabuting magagawa mo ay makahanap ng paraan upang ang oras ay lumipas nang kaayaaya hangga't maaari. 



Ang pariralang ito sa Panalangin ng Panginoon ay tumatanggi sa buong ideyang ito ng kawalan ng kabuluhan at sa halip ay nag-aalok ng layunin para sa atin at sa mundo. Si Jesus dito ay tumutukoy sa kaharian at nararapat na bigyang-pansin na ang kaharian ng Diyos at ang kaharian ng langit ay pareho. Maraming mga mambabasa ng Biblia ang medyo nagtataka dito dahil kakaunti ang mga sanggunian sa kaharian sa Lumang Tipan at hindi ganoon karami pa kapag lumagpas ka na sa mga pahina ng Mateo, Marcos, at Lucas. Gayunpaman, ang katotohanan ay, habang ang Lumang Tipan ay hindi gaanong tumutukoy sa kaharian, napakarami ang binabanggit nito tungkol sa Hari. Doon ang Diyos ay Hari ng buong mundo at ang problema ng sangkatauhan ay ang pagwawalang-bahala ng mga tao sa Kanyang pamamahala; tayo ay nasa pagrerebelde laban sa Hari at sa Kanyang kaharian. 



Kinukuha ng Bagong Tipan ang mga ideyang ito at malinaw na ipinapahiwatig na ngayon, sa pagdating ni Jesus, ang kaharian ay naging bukas sa lahat. Ang kaharian ay nasa kahit saan – at anumang buhay – na nasa ilalim ng awtoridad ni Jesus; ito ay nasa bawat lugar kung saan tinatanggap ang pamamahala ng Diyos sa buhay ng mga kalalakihan at kababaihan. Ang mapabilang sa kaharian ay pagiging isang tao o isang lugar kung saan tinatanggap ang awtoridad ng Diyos at ginagawa ang Kanyang kalooban. Sa sandaling iyon, ito'y nangyayari lamang sa langit, ngunit isang araw ay ipinangako sa atin na ang pagrerebelde ng sangkatauhan ay matatapos at ang awtoridad ng Diyos ay susundin sa buong sansinukob.



Ang ideyang ito ng kaharian ay mahalaga dahil tayong mga tao ay may hilig na isipin na tayo ay nabubuhay sa isang uri ng teritoryo na walang kinikilingan sa espirituwal sa kung saan tayo ay malaya. Sa katunayan, ang posisyon ng Biblia ay, hindi pwedeng walang pinapanigan: ang mundong ito ay isang lugar ng digmaan kung saan ang mga kapangyarihan ng kasamaan at ng masama (na higit pa sa huli) ay gumagamit, o inaangkin na gumagamit ng pinakamataas na awtoridad sa lahat ng bagay. Kapag ang isang tao ay naglalagay ng kanyang pananampalataya kay Jesus at naging isang Cristiano, maraming bagay ang nangyayari; ang isa na lubhang mahalaga ay ang paglipat ng kanilang katapatan mula sa sanlibutan patungo sa maluwalhating kaharian ng Diyos. 



Ang panalanging ito, kung gayon, ay ang kasamaan ay matatalo, na isang araw – marahil mas maaga kaysa ating iniisip – ang mundong ito ay mapupunta sa isang lugar na kung saan ang mga bagay lamang na mangyayari ay ang mabuti, tama at masasaya na nais ng Diyos na mangyari. Ang magkasalungat na ingay ng ating mundo ay magbibigay-daan sa perpektong pagkakaisa ng langit. 



Bagaman kailangan natin laging nakatuon sa pangmatagalang hinaharap ng ating sansinukob at hangarin ang dakilang araw na ang lahat ay magiging maayos magpakailanman, tayo ay dapat mamuhay sa araw-araw pansamantala. Ang manalangin sa bahaging ito ng Panalangin ng Panginoon ay nangangahulugan na tayo ay personal na gumagawa ng mga pagpapasiya at kumikilos upang suportahan ang Hari at kaharian. Maaari tayong manalangin para at laban sa mga bagay. Kaya, tayo ay dapat manalangin para sa mga bagay na tutulong ilapat ang halaga ng kaharian: halimbawa, mga gawa ng kabaitan at awa at mga salita ng katotohanan at biyaya. Maaari rin tayong manalangin laban sa mga bagay na sumasalungat sa kaharian ng Diyos: kasakiman, poot, pagnanasa at iba pa. Syempre, hindi tayo dapat paiba-iba. Hindi tayo maaaring manalangin para sa ating mga kasamahan o kapitbahay na ipakita ang mga halaga ng kaharian nang hindi tayo nagsisikap na ipamuhay ang mga ito sa ating sariling buhay.



Ang ipanalangin ang bahaging ito ng Panalangin ng Panginoon nang makahulugan ay ang pagtingin sa lahat ng bagay sa ating buhay at sa ating mundo at sabihin sa lahat ng ito na, ‘Panginoon, bahala ka na: hayaan Mong ang mundong ito ay maging mas katulad ng langit at ang aming mga buhay ay mas makalangit!’


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Lord's Prayer

Samahan si J.John sa isang walong-araw na pag-aaral tungkol sa Panalangin ng Panginoon, na lubhang malalim at kapaki-pakinabang na turo na ibinigay ni Jesus tungkol sa kung paano tayo dapat manalangin.

Nais naming pasalamatan si J JOHN sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin: https://canonjjohn.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya