Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Takbuhin: 5-Araw ng Mga Panghihikayat para sa isang Aktibong PamumuhayHalimbawa

Running the Race: 5-Days of Encouragements for an Active Lifestyle

ARAW 1 NG 5


Magawa Ang Takbuhin


Noong 2018, nagtakda si Mike na lumikom ng pera para sa ligtas na tubig sa Africa. Ang paglalakbay ay tatagal ng siyam na araw at kabuuang 2,700 na milya mula sa San Diego, CA hanggang Charleston, South Carolina. Sa apat na araw, siya ay nakipaglaban sa lamig, pamamaga mula sa ulo hanggang paa, at nag-aalinlangan kung maaari ba talaga niyang magawa ang limang araw pa sa kalsada

.

Sa mga sandaling iyon, madaling panghinaan ng loob, ngunit ang Hebreo 12 at Mga Taga Filipos 4:8 ang nangusap sa kanyang mga tainga. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus. 


“Nilupig ng Diyos ang kamatayan at tiniis ang krus," sabi ni Mike. "Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, tiniis niya ang krus at pinasan ang lahat upang hindi na natin kailangan pa, upang magawa natin ang ating takbuhin at makapagtiis… Makakaya natin ang mga mahihirap na bagay sa pagkakalam natin kung ano ang ginawa ni Jesus para sa atin, at ang paglalakbay sa susunod na 50, 60 milya, wala na lang iyon.”


Sinasabi sa Mga Taga Filipos 4:8, “Bilang pagtatapos, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.”


Kasabay ni Mike ang isang koponan ng pitong kalalakihan — ang pangkat ng Wheels4Water - at siya ang Team Lead. Bilang nangunguna sa koponan, ibinahagi ni Mike ang talatang ito sa kanila. 


“Nilimitahan ko ang aking mga kakayahan batay sa aking kaginhawaan, sa halip na batay sa tunay na kung gaano ang inilagay ng Diyos sa loob natin. Ituon ang inyong mga paningin sa kung ano ang mabuti at marangal at totoo. Sa mga panahong iyon, kung pinayagan kong pumasok sa aking kaisipan na 'Sobra ang hirap ko; pagod na pagod ako,' marahil iyon lang ang aking nakita. Kung itinakda ko ito sa 'malakas ako,' at 'magagawa ko ito; Sanay na ako para dito… kung gayon iyon ang nakita ko.” 


Sa iyong pagsakay, paglalakad, pagtakbo, pag-akyat, o paglangoy, sinabi ni Mike, "Ikaw ay karapat-dapat sa iyong napili.”


May kakayahan ka, lakas, at magagawa mo ang iyong takbuhin nang may pagtitiyaga.
Alalahanin ang ginawa ni Jesus para sa atin upang maisakatuparan natin ang takbuhin na itinakda nating tapusin. 


 


Katanungan Para sa Araw Na Ito


Ano ang mga sakit at pighati o hirap sa pag-iisip na pumipigil sa iyo upang magawa ang takbuhin sa iyong lubos na kapasidad ngayon? 


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Running the Race: 5-Days of Encouragements for an Active Lifestyle

Sa limang araw na gabay na ito, mahikayat sa mga kuwento ng pagtatagumpay, pagtuklas ng pagpapakumbaba, at pagtakbo sa karera ng buhay. Sadyang nilikha para sa aktibong pamumuhay, ang maikling debosyonal na ito ay humihi...

More

Nais naming pasalamatan ang Lifeway International sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.lifewater.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya