Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtatagumpay sa Kalungkutan: Mga Debosyon para sa mga Magulang na NagluluksaHalimbawa

Surviving Sorrow: Devotions for Parents in Mourning

ARAW 4 NG 5

Naramdaman mo ba na parang nasimulan mo nang basahin ang gabay na ito nang matagal na? Paanong nasa Araw-4 pa lamang? Ang buhay na wala ang iyong anak ay parang walang hanggan. Ang mabigat na pagdadalamhati ay parang lumalakad na may sementong sapatos habang dala ang basang kumot. Ang buhay ay tila hinihila sa mabagal na kilos.

Subalit, kung minsan parang ang iyong anak ay narito lang. Isang minuto ang lumipas siya ay nasa kanyang kuwarto sa itaas. Isang oras ang lumipas siya ay kausap mo sa telepono. Tila ito ay hindi totoo. Natitiyak mo na sila ay nasa bahay pagdating mo. Isang buwan na ba ang nakalipas? 

Ang lahat ng ating mga araw ay nakahiwalay bilang "bago" at "pagkatapos." Ang panahon ay nanatiling nahahati sa dalawa: noong kasama ang aming anak . . . at noong wala. Ang mga araw na parang normal. . .at ang mga araw na nakalatag sa aming harapan. Ayaw naming isipin ang nalalabi pa naming buhay. 

Naghihintay kami sa pag-asa ng langit. Naghihintay kami sa walang hanggang kaluwalhatian na kung saan papahirin ng Diyos ang lahat mg aming mga luha. Kung saan wala ng kalungkutan, wala ng paghihirap (Pahayag 21:1-7). Ano ang gagawin natin kung ang mga araw natin sa mundo ay parang nakaunat nang higit sa ating makakayanan? Saan tayo babaling kung nararamdaman natin na walang ibang daan upang magpatuloy ng isa pang taon? 

Binabalikan ko ang mga talata sa Biblia na nagpapaalala sa akin na ang buhay ng tao ay wala pang isang patak sa karagatan kung may kaugnayan sa walang hanggan na piling ng Diyos. Ang pagpisan sa Diyos sa Kanyang walang hanggang kaluwalhatian ay higit pa sa kayang unawain ng aking isip. Kaya kailangang isaalang-alang ko ang mga bagay na kayang yakapin ng aking isipan at sikaping ibaling ang aking pag-iisip sa walang hanggang pananaw. 

Nauunawaan ko kung paanong ang lilim ay nagdaraan sa liwanag nang panandalian lamang. Ang aking buhay ay katulad ng maikling panahon na kinakailangan upang itaboy ng liwanag ang lilim (Mga Awit 144:4). 

Batid ko kung gaano kabilis ang isang tao na humugot ng isang hininga. Ang aking buhay ay isang maliit na hininga kung ihahambing sa walang hanggang langit (Mga Awit 39:5). 

Hindi nagtatagal para ang liwanag at init ng araw ay pawiin ang hamog ng umaga pagsikat ng araw (Santiago 4:14). 

Sa ganoon ding paraan, hindi magtatagal bago ko muling makita si Austin. Ang pagyakap sa kanya nang mahigpit ay isang hinga lang. Bago ko pa mamalayan, maririnig ko ang kanyang tawa. Kalayaan sa paghihintay na ito. Kalayaan sa kirot na ito. Kalayaan sa kamatayan at kalungkutan. Ang lahat ay ilang saglit lang. Ang lahat ng ating mga araw ay balewale kung ihahambing sa walang hanggan. 

Ibaling ang iyong puso patungo sa langit at hayaang ang walang hanggang kaluwalhatian ang magdala sa iyo sa panibagong araw.  

Tungkol sa Gabay na ito

Surviving Sorrow: Devotions for Parents in Mourning

Nang ang tatlong taong gulang na anak ni Kim ay sumakabilang-buhay, nakasumpong siya ng maraming mga babasahin patungkol sa pagdadalamhati. Sinabi niya na ang tunay niyang kailangan, gayunpaman, ay "isang tao na makapagbibigay sa akin ng payo para mabuhay, hindi lang para sa pagdadalamhati." Sa 5-araw na debosyonal na ito, ibabahagi ni Kim ang kahinaang sariwa pa, ang malalim na bukal ng karunungan, at ang kaalaman ng isang tao na nakaranas ng ganoong sitwasyon habang inaakay niya ang mga magulang na nagluluksa sa proseso ng buhay pagkatapos ng kamatayan at malampasan ang kalungkutan sa pagkawala.

More

Nais naming pasalamatan ang Moody Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.moodypublishers.com/books/evangelism-and-discipleship/surviving-sorrow/