Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa

Ang araw na ito ay pagkakataon upang humabol sa mga nakaligtaang debosyonal kasama ang iyong mga anak at pasiglahin ang iyong puso gamit ang Salita ng Diyos.
- Basahin ang Banal na Kasulatan ngayong araw at ipagdasal sa Espiritu Santo na mangusap sa iyong puso. Isang napakadakilang regalo galing kay Jesus na ating tagapagligtas!
- Magdasal at ilagak ang iyong araw sa Diyos. Humingi ng karunungan, kaalaman at kahabagan sa Diyos.
- Ipagdasal ang iyong asawa at mga anak na maramdaman ang kapayapaan galing kay Jesus ngayong Pasko. Ipagdasal kay Jesus na tulungan ang lahat sa iyong sambahayan na magkasundo at mahalin ang isa't-isa.
*Siguraduhing bisitahin ang Ika-25 na araw ng planong ito para sa link ng iba pang mga impormasyon kung paanong ang paghingi ng karunungan, kaalaman at kahabagan galing sa Diyos ay isang malaking tulong upang bumuti ang iyong araw!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More
Mga Kaugnay na Gabay

Prayer

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Ang Kahariang Bali-baliktad

Sa Paghihirap…

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Masayahin ang ating Panginoon

Mag One-on-One with God
