Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Humakbang sa LayuninHalimbawa

Step into Purpose

ARAW 1 NG 5

Hanggang sa Hindi Mo na Mahipo ang Lupa 



Ang pananaw ay napakahalaga sa paghakbang mo sa iyong layunin. 



Binabanggit sa Ezekiel 47 ang ilog na umaagos mula sa templo, mula sa Banal sa lahat ng mga Banal (Tingnan ang Isaias 6:1-6). Ang talatang ito ay makapangyarihan sapagka't ipinakikita nito na kung ikaw ay magpupursigi sa kabanalan ng Diyos, walang duda na ikaw ay makatatanggap ng pananaw sa layuning mayroon Siya para sa iyo. 



Ngunit, sa ipinakikita ng talata, hindi ito nakakamit sa loob ng sariling kaginhawahan.  



Ang pag-unlad ni Ezekiel ay dumaan sa apat na magkakaibang baitang bago siya ay makakita. Kadalasan ay hinihiling natin sa Diyos na ihayag ang ating layunin, ngunit handa tayong lumusong nang magpahanggang sa tuhod lamang. Ang pananaw na nakita ni Ezekiel ay isang masaganang buhay na nananatili dahil sa kalapitan sa kabanalan ng Diyos (ang batis, tingnan ang Mga Awit 1:1-3). Ang mga bagay na lumilipas ang nawawalan ng pag-unlad at ng buhay (Ez. 47:11). 



Kung nais mo ng malinaw at nagpapatuloy na pananaw para sa iyong layunin, kailangan mong pangahasang makipag-ugnayan sa Diyos na makapagtutulak sa iyo sa iyong hangganan. Iyong ikaw ay magiging babad, kung saan ang iyong mga paa ay hindi na mahihipo ang tarok ng iyong kaginhawahan. Dito sa lugar na ito mo isusuko ang iyong pamamahala, kapalit nito, mahahanap mo ang iyong sarili na dinadala ng Diyos patungo sa iyong layunin na naglalaman ng kapunuan sa iyong buhay. 






Isinulat ni Candace Tossas


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Step into Purpose

Ano ang aking layunin? Ano ang sadyang dapat kong gawin sa aking buhay? Ano ang plano ng Diyos para sa akin? Lahat ng ito ay mga katanungan na ang marami sa atin ay itinatanong sa isang punto o sa ibang dako ng ating buh...

More

Nais naming pasalamatan ang C3 Church Sydney Pty Ltd sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.c3college.com/

Mga Kaugnay na Gabay

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya