Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Revival Is Now! (PH)Halimbawa

Revival Is Now! (PH)

ARAW 1 NG 7

Ang Revival ay Ngayon!

Isa sa mga pinaka-kapanapanabik na salita sa bokabularyo ng mga Cristiano ay ang salitang "REVIVAL." Ang literal na kahulugan nito ay "upang buhayin o pasiglahing muli." Ang mensahe ng Mabuting Balita ay isang mensahe mismo ng muling pagkabuhay. Ang 'Revival' ay ang pagbabalik-loob natin sa Diyos at pagmulat sa kaalaman ng kanyang presensiya sa ating buhay. Ang revival noon ay may imahe ng malalaking pagpupulong ng mga tao, mga himala, at ang pagtalikod ng mga tao sa kanilang mga kasalanan. Maiisip ang mga taong katulad ng Wesley Brothers, si Billy Graham o si Catherine Booth. Mga tao na naging tapat sa pagpapahayag ng Mabuting Balita na ang tanging inaasahan ay ang Diyos upang gumalaw sa puso ng kanilang mga taga-pakinig. 

Ang epekto ng mga ganitong revival sa kabuuan ng kasaysayan ay nakakaapekto sa lahat ng bahagi ng lipunan - nagsasara ang mga makamundong negosyo, bumababa ang bilang ng krimen. Nakakatuwang isipin ang mga pagbabagong naidudulot ng mga pusong nagbalik-loob sa buong mundo. 

Hindi mo kailangang tumingin sa malayo upang makita at marinig ang libu-libong Cristiano na pinag-uusapan ang revival. Mayroong konkretong inaasahan na gumagalaw ang Diyos at iyon ay kapanapanabik! Ang pananabik na ito ay isang dakilang paalala upang siguruhin na handa na ang iyong puso at handa ka sa gagawin ng Panginoon. 

Ang Diyos ang nagdadala ng revival, hindi tayo, pero dinadaan Niya ito sa atin. Binubuhay Niyang muli ang ating mga puso at dahil dito, may revival na pwedeng mangyari sa simbahan, sa eskuwelahan, sa opisina, komunidad at lipunan. Ang tanong, handa ka ba sa pagbabalik-loob? Dahil handa ka man o hindi, heto na 'yon! 

Sa loob ng anim na araw, matututunan mo kung ano ang magagawa mo upang makita ang revival o pagbabalik-loob sa iyong sariling buhay at malalaman mo kung paano nito mababago ang iyong sarili. Magiging maganda ang mga susunod na mga araw! Sa kasalukuyan, bakit hindi mo muna i-download ang libreng yesHEis app para sa iba pang nakapagpagbibigay-inspirasyong pananaw, blog at video tungkol sa revival.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Revival Is Now! (PH)

Isa sa mga pinaka-exciting na salita sa Christian vocabulary ay ang salitang "REVIVAL." Hindi mo kailangang tumingin sa malayo para makita at marining ang libu-libong Kristiyano na pinag-uusapan ang revival. Samahan mo k...

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://yesheis.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya