Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Anim na Hakbang Tungo sa Iyong Pinakamabuting PamumunoHalimbawa

Six Steps To Your Best Leadership

ARAW 4 NG 7

Isang Sistemang Lilikhain



Isipin ang isang problema sa trabaho, sa iyong koponan, sa iyong tahanan, o sa iyong buhay na paulit-ulit na bumabalik. Maaaring iniisip mong may problema ka sa pagsusuri ng kalidad, o sa customer service, o may mga maling tao, o problema sa magulong bahay, ngunit marahil ito ay dahil sa problema sa sistema.



Bilang mga pinuno, sinisisi natin ang mga taong nasa ibaba sa ating mga problema samantalang ang tunay na problema ay ang sistema sa itaas. 



Maaaring iniisip mo, "wala naman talaga kaming sistema," o "mas nagtutuon kami sa pakikipag-ugnayan; hindi naman namin kailangan ng sistema." Buong paggalang kong sasabihing may sistema ka. Maaaring ang sistema mo ay ang simulan ang araw sa pagsusuri ng mga emails, paglutas ng mga problema kapag nariyan na, at pagkatapos ay uuwi kang lumung-lumo. Ngunit iyan ay sistema.



May mga sistema ka ito man ay binalak mo o hindi sinasadya, ngunit sa anumang paraan, mayroon ka nito. At ang mga sistema mo ay maaaring bunga ng mga nilikha mo o ng mga pinahintulutan mo. Kaya, kung gusto mo ng mas magandang resulta, magsimula sa pamamagitan ng paglikha ng isang mas mabuting sistema. 



Sa unang kabanata ng Biblia, ang mundo ay walang hugis, at sinabi ng Diyos, "magkaroon ng liwanag." Pagkatapos ay pinaghiwalay Niya ang araw at gabi, ang mundo sa kalangitan, ang lupa sa tubig, ang mga ibon sa mga isda, at marami pang iba. Mapapansin mong pinangangasiwaan ng Diyos ang mga partikular na sistema nang sama-sama at hindi Siya umaalis doon hanggang hindi ito maayos. Sa pinakahuli, nilikha ng Diyos ang mga tao at bingiyan sila ng direksyon sa pagkakalinga sa lahat ng ito— kasama ang sistema ng pagpapahinga ng isang beses sa isang linggo. 



Ang pagkakalalang ay sinimulan nang may sistema. Tinawag ni Apostol Pablo ang Iglesia na isang katawan na maraming mga bahagi na lahat ay gumagawa ayon sa kanilang layunin at mahahalagang pakay. Iyan ay sistema. Isang sistema na may pangunahing pinuno— si Jesus. 



Katulad ng mundo, katulad ng Iglesia, katulad ng ating katawan, ang iyong buhay ay puno ng sistema. Ang maaayos na sistema ay hindi nangyayari ng aksidente lamang. Sila ay nilikha ayon sa layunin. 



Anong sistema ang kailangan mong likhain upang makuha ang resultang gusto mo? 



Isaalang-alang:Ginawa ko ba si Jesus na maging pinuno ng aking pangunahing sistema— ang aking buhay? Anong tensyon ang aking hinaharap, at anong sistema ang makakalutas dito?


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Six Steps To Your Best Leadership

Handa ka na bang lumago bilang isang pinuno? Binubuksan ni Craig Groeschel ang anim na mga hakbang na biblikal na maaaring gawin ng sinuman upang maging mas mabuting pinuno. Tuklasin ang disiplina upang makapagsimula, an...

More

Nais naming pasalamatan si Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.craiggroeschel.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya