Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Baguhin ang Iyong Puso: 10 Araw Para Labanan ang KasalananHalimbawa

Rewire Your Heart: 10 Days To Fight Sin

ARAW 7 NG 10

Labanan ang Kasalanan sa Pamamagitan ng Paghahanap ng Kaligayahan


Sa mga panahong tayo'y talagang nagigipit nagiging labis na mas madaling magkasala. Ang Awit 37 ay lubos na patungkol sa kung paanong magpursigi sa mga panahon ng matinding kagipitan. 



Ang Salmista, si David, ay sumulat na ang mga tao ay gumagawa ng mga liko't masasamang bagay. Ano ang dapat itugon ni David at ng mga tao? Sabi ni David marapatin nating tumugon sa kapanatagan, katiyagaan at pananampalataya.



Ngunit paano man lang iyan magiging posible? Paano nating magagawang umupo at tanggapin na lang ito? Paano natin magagawang pumanatag samantalang nag-aalimpuyo ang lahat sa paligid natin? Paano natin magagawang magtiyaga samantalang ang lahat ay napapasama? Paano natin magagawang manampalataya samantalang tila wala nang dahilan pang umasa? 



Maraming magandang payo sa Awit na itong maitutugon sa mga tanong na ito. Ngunit isa sa pinakamaganda, nakatutulong, at tanyag ay matatagpuan sa Mga Awit 37:4. 



“Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.” 



Ang bersikulong ito ay labis na nakatutulong dahil sa dalawang pangunahing aspeto. 



Una, ang pagpupursigi at pakikipaglaban sa kasalanan ay hindi kailangang maging malungkot. Tinatawagan tayong makipaglaban nang may kaligayahan! Ngunit saan natin masusumpungan ang kaligayahang ito sa napakasaklap na sitwasyon? Hindi natin ito mahahanap sa ating paligid. Hindi natin ito mahahanap sa pagtuon lang sa positibong aspeto nito. Hindi. 



Kay Yahweh natin mahahanap ang kaligayahan. Sa Diyos natin hahanapin ang kaligayahan. Sa ating mga Cristiano, ang pinakamagaling na paraang magagawa natin ito ay sa paulit-ulit na pagsasabi ng Ebanghelyo sa iyong sarili. Iniligtas ka na ni Jesus mula sa kasalanan at kamatayan. Tinangggap Niya ang iyong kaparusahan. Ikaw ay ipinagkasundo Niyang muli sa Ama. Ika'y ginawa nang templo ng buhay na Diyos. Sa lahat ng ginawa ng Diyos para sa iyo mo hanapin ang kaligayahan. 



Ang pangalawang dahilang ang bersikulong ito ay
labis na nakatutulong ay dahil may matatanggap tayo. Hindi lang na hindi na tayo dapat malungkot, kundi may matatanggap din tayong mabuti. Ang pangarap natin ay ating makakamtan. 



Anong pinapangarap ng ating mga puso ang ibibigay sa atin sa panahon ng kagipitan? Wala nang iba kundi ang mismong pinaghahanapan natin ng kaligayahan. Makukuha natin ang Diyos!



Anuman ang sitwasyon at anuman ang kasalanan, kung hahanapin mo ang kaligayahan sa Diyos ng Ebanghelyo makukuha mo ang Diyos ng Ebanghelyo. Magpakaligaya kay Jesus at ihahayag ni Jesus ang sarili Niya sa iyo.



Ganyan ka makipaglaban sa kasalanan sa panahong talagang nagigipit. Ilaan ang puso sa pakikipaglaban. Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan


Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Rewire Your Heart: 10 Days To Fight Sin

Maraming Cristiano ang naniniwalang ang tanging paraang mapagtagumpayan ang kasalanan ay ang magngitngit at daigin ang tukso. Ngunit hindi mo malalabanan ang kasalanan sa pamamagitan ng iyong isip; kailangan mo itong lab...

More

Nais naming pasalamatan ang Spoken Gospel para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://bit.ly/2ZjswRT

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya