Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Alisin ang TakotHalimbawa

Get Rid Of Fear

ARAW 2 NG 3

Ano ang gagawin mo kung nagsisimulang kainin ng takot ang iyong isipan at ayaw kang bitawan? 



Sinasabi ng Banal na Kasulatan na ang pinakamabuting panlunas sa takot at pagkabalisa ay ang panalangin. Para makita kung ano ang kasama sa panalangin at kung ano ang magagawa ng panalangin sa iyong mga kinatatakutan, tingnan ang Mga taga-Filipos 4:6–7. Sinasabi ng bersikulo 6 na, “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.”



Sa tuwing hinahawakan ka nang mahigpit ng takot, magsimula sa pamamagitan ng paghadlang dito gamit ang katotohanan ng Diyos. Sinasabi ng Diyos na dapat mong ilipat ang iyong tuon dahil sinuman o anumang bagay ang kumokontrol sa iyong isipan ay kumokontrol din sa iyo. Ayaw ng Diyos na ituon mo ang iyong pansin sa iyong mga kinatatakutan at makontrol ng mga ito. Sa halip, gusto ng Diyos na ituon mo ang iyong atensyon sa Kanya at hayaan ang Kanyang Salita at Espiritu ang kumontrol sa iyo. Ito ang dahilan kung bakit importante ang panalangin. Ang pamamaraan dito ay simple. Walang dapat katakutan, ngunit ipanalangin ang lahat ng bagay.



Ang Mga Taga-Filipos 4:6 ay gumagamit ng pangkalahatang salita para sa panalangin at gumagamit din ng mas tiyak na salita na “supplication,” na ang ibig sabihin ay ang paghingi ng sagot sa isang tiyak na pangangailangan. Ang ibig sabihin nito ay ipanalangin ang lahat ng bagay, ang kahilingan mo man ay pangkalahatan o mas tiyak. Kung may paulit-ulit na takot ka ngunit hindi mo matukoy kung ano ito, dalhin mo ito sa Panginoon sa isang panalangin—alam Niya kung ano ito. O kung may partikular kang kinatatakutan na nakikita mo nang malinaw sa iyong isipan, dalhin mo rin ito sa Kanya. Humiling ka sa Kanya na tulungan kang maalis ang iyong mga kinatatakutan at palitan ang mga ito ng Kanyang katotohanan, at pagkatapos ay pasalamatan Siya nang may pananampalataya sa paggawa nito para sa iyo.



Maawaing Panginoon, hindi ba ang dalawang maya ay ibinebenta para sa isang sentimo? Ngunit alam Mo ang lahat na nangyayari sa kanila. Alam mo rin ang dami ng buhok sa aking ulo. Tulungan mo akong maging matapang sa kaalamang kilalang-kilala Mo ako at mahal Mo ako. Ipaalala Mo sa akin na hindi ako kailangang matakot, dahil Ikaw ang may tanging kontrol sa lahat ng bagay at ipinangako Mong hindi Mo ako iiwanan o pababayaan. Salamat sa Iyong mga pangakong nagbibigay sa akin ng kapayapaan. Sa ngalan ni Cristo. Amen.




Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Get Rid Of Fear

Makakaya mong lampasan ang mga pakiramdam ng takot. Gagabayan ka ni Dr. Tony Evans sa landas patungong kalayaan sa gabay na itong puno ng kaalaman. Tuklasin ang buhay ng kaligayahan at kapayapaan na hinahangad mo sa iyon...

More

Gusto naming pasalamatan ang Harvest House Publishers sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagadagang impormasyon, pumunta sa: http://go.tonyevans.org/addiction

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya