Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

MatatagHalimbawa

Adamant With Lisa Bevere

ARAW 2 NG 6


Walang nagkaedad nang hindi naapektuhan ng kadiliman. Lahat tayo ay nakakarinig ng mga boses sa paligid natin sa ilang antas, hinahatulan tayo at tinatatakan. Ang marami sa atin, kung hindi man lahat, ay tinatatakan din ang ating mga sarili—mga maling pagkakakilanlan na ipapangako nating totoo. 


Kapag inilalapit ng Diyos ang sarili Niya sa atin, ito ay hindi para tayo ay hatulan, kundi upang may pagmamahal tayong tipunin sa Kanya upang marinig natin ang Kanyang tinig na nagpapahayag ng katotohanan kung sino talaga tayo. 


Ang katotohanang ito ay: Hindi tayo ang kadiliman ng ating nakaraan. At ang katuturan natin ay hindi nakasalalay sa ating mga pagkakamali, kasarian, o ano mang mga bagay na panlabas. Sa halip tayo ay mga espiritung nilikha sa wangis ng Diyos, hinubog upang maging malapit sa Nag-iisang nagbigay sa atin ng ating hininga. 


Hindi natin nakikita ang ating pagkakakilanlan kapag inilalakip natin ito sa maling mga bagay. Kaya nga tatanggalin ng Diyos lahat ng mga tatak na pumipigil sa atin na nakuha natin sa ating pamumuhay. Ang Kanyang Espiritu Santo ang gumagawa sa ating kaloob-looban, tinatanggal ang luma at ibinubunyag ang mga makikita pa lamang. 


Maaaring ang takot at kawalang-katiyakan ay naging dahilan upang tanggihan mo ang paggawa ng Diyos sa buhay mo. Ngunit ngayon, ang Diyos ay nangungusap sa mga lugar sa buhay mo na akala mo ay naging disyerto na, at nag-aalok Siya upang gawin ito muling isang hardin. 


Ngunit kailangan nating pumayag sa Diyos na maihiwalay Niya ang liwanag mula sa kadiliman sa buhay natin. Hindi hahayaan ng Diyos ang mga kasinungalingang sinabi sa atin na manatili. Hindi Niya hahayaan ang mga bagay na sinabi mo sa sarili mo ang siyang magdesisyon para sa iyo. Sa halip, makikipaglapit Siya sa iyo upang may maipahayag Siyang bago sa buhay mo, na makapagdadala ng ganap na kagalingan sa bawat masasakit na lugar ng buhay mo, upang malaya kang makapamuhay sa katotohanang sinasabi Niya kung sino ka. 


Tahasan ang pakikipaglapit na ninanais ng Diyos para sa iyo. Pupunta Siya sa kaibuturan ng iyong sakit upang pagalingin ka, ngunit kailangan mong payagan Siyang gawin ito. Ano kaya ang magiging hitsura nito sa buhay mo?


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Adamant With Lisa Bevere

Ano ang katotohanan? Sang-ayon ang kultura sa kasinungalingan na ang katotohanan ay isang ilog, umuurong at dumadaloy kasabay ng pagdaan ng panahon. Ngunit ang katotohanan ay hindi isang ilog - ito ay isang bato. At sa n...

More

Nais naming pasalamatan sina John at Lisa Bevere sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://iamadamant.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya