Apat na Paraan Upang Ibahagi si JesusHalimbawa

Ipakita ang pagmamahal ng Diyos upang ibahagi si Jesus.
Ang ipakita ang pagmamahal ng Diyos ay isang paraan upang ibahagi ang Mabuting Balita patungkol kay Jesus. Mahal ka ng Diyos, kaya ibahagi mo ang pagmamahal Niya sa iba. Ngunit ang pagmamahal sa iba ay higit pa sa pagsasabi patungkol sa pagmamahal. Ipakita ang pagmamahal nang may kabutihang gawa. Tunay na pagmamahal iyon. Iyon ay pagmamahal sa iba nang may pagmamahal ng Diyos. Panooorin ang motions video at i-play ang Oras ng Mamamahayag para kabisaduhin ang 1 Juan 3:18. Tandaang isagawa ang pagmamahal ng Diyos araw-araw!
Oras ng Mamamahayag
- Basahin ang 1 Juan 3:18 nang malakas sa iyong pamilya at kaibigan.
- Magkunwari na isang kang mamamahayag at ituro sa iyong pamilya at kaibigan kung ano ang ibig sabihin ng bersikulo.
- Hayaan na bawat isa sa iyong pamilya ay sumubok sabihin ang bersikulo nang malakas na walang tumutulong.
- Magbigay ng premyo sa kung sino man ang unang tao na makakapagsabi nito.
Pag-usapan Natin: Ano ang magpapakita ng higit na pagmamahal sa iba: and ating kilos, ating salita, o pareho? Paano mo ito naisip?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Si Jesus ay gumawa ng paraan upang maging kaibigan tayo ng Diyos. Iyon ang Magandang Balita, at kailangang malaman ng lahat ang tungkol dito! Tanggapin mo ang misyong ibinigay sa iyo ni Jesus: alamin ang Mabuting Balita ng Diyos, ipakita ang pagmamahal ng Diyos, mamuhay nang tulad ni Jesus, at ikuwento ang iyong istorya!
More