Zacarias 13:7-9
Zacarias 13:7-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang sinasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Tabak, kumilos ka laban sa tagapangalaga ng aking mga tupa, laban sa aking lingkod. Patayin mo ang pastol upang magkawatak-watak ang mga tupa; lilipulin ko naman pati ang maliliit. Malilipol ang dalawang ikatlong bahagi ng naninirahan sa lupain; ikatlong bahagi lamang ang matitira. Ang mga ito'y padadaanin ko sa apoy upang dalisayin, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Tatawag sila sa akin at akin namang diringgin. Sasabihin kong sila ang aking bayan. Sasabihin naman nilang ako ang kanilang Diyos.”
Zacarias 13:7-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ng PANGINOON ng mga Hukbo, “Ihanda ang espada! Patayin ang pastol na aking lingkod. Patayin siya at magkakawatak-watak ang mga tupa. At parurusahan ko sila. Mamamatay ang dalawa sa tatlong bahagi ng mga tao sa buong lupain ng Israel. At ang ikatlong bahaging matitira ay lilinisin ko tulad ng pilak na dinadalisay ng apoy. Susubukin ko sila tulad ng gintong sinusubok sa apoy kung tunay o hindi. Tatawag sila sa akin at diringgin ko sila. Sasabihin ko, ‘Sila ang aking mga mamamayan.’ At sasabihin din nila, ‘Ang PANGINOON ang aming Diyos.’ ”
Zacarias 13:7-9 Ang Biblia (TLAB)
Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit. At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan. At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Zacarias 13:7-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang sinasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Tabak, kumilos ka laban sa tagapangalaga ng aking mga tupa, laban sa aking lingkod. Patayin mo ang pastol upang magkawatak-watak ang mga tupa; lilipulin ko naman pati ang maliliit. Malilipol ang dalawang ikatlong bahagi ng naninirahan sa lupain; ikatlong bahagi lamang ang matitira. Ang mga ito'y padadaanin ko sa apoy upang dalisayin, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Tatawag sila sa akin at akin namang diringgin. Sasabihin kong sila ang aking bayan. Sasabihin naman nilang ako ang kanilang Diyos.”
Zacarias 13:7-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)