Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Zacarias 13

13
Ang Paglilinis mula sa Kasalanan
1Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Sa araw na iyon, bubuksan ang bukal para sa mga angkan ni David at ng mga taga-Jerusalem, upang linisin sila sa kanilang mga kasalanan at karumihan.
2“Sa araw na iyon, aalisin ko ang mga diyos-diyosan sa lupain ng Israel at hindi na sila maaalala. Aalisin ko sa Israel ang mga huwad na propeta at ang maruruming espiritung nasa kanila. 3At kung mayroon pang magpapanggap na propeta, ang mga magulang niya mismo ang magbibigay ng babala na karapat-dapat siyang patayin, dahil nagsasalita siya ng kasinungalingan at sinasabi pa na ang mensahe niya ay mula sa Panginoon. At kung patuloy pa rin siyang magpapanggap na propeta, ang amaʼt ina niya mismo ang sasaksak sa kanya.
4“Ang mga propetang iyon ay mapapahiya sa mga sinasabi nilang pangitain. Hindi na sila magsusuot ng mabalahibong damit na pampropeta upang manlinlang. 5Bawat isaʼy magsasabi, ‘Hindi ako propeta; isa akong magsasaka at mula sa aking pagkabataʼy nagbubungkal na ako ng lupa.’#13:5 Hindi … ng lupa: O, ipinagbili ako ng isang tao noong akoʼy bata pa. 6At kung may magtatanong, ‘Ano itong mga sugat sa iyong katawan?’ sasagot sila, ‘Nakuha ko ito sa bahay ng aking mga kaibigan.’ ”
Nagkawatak-watak ang mga Tupa
7Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo,
“Ihanda ang espada!
Patayin ang pastol#13:7 ang pastol: Siguro ang ibig sabihin, ang aking piniling pinuno. na aking lingkod.
Patayin siya at magkakawatak-watak
ang mga tupa.
At parurusahan ko sila.
8Mamamatay ang dalawa sa tatlong bahagi
ng mga tao sa buong lupain ng Israel.
9At ang ikatlong bahaging matitira
ay lilinisin ko tulad ng pilak
na dinadalisay ng apoy.
Susubukin ko sila
tulad ng gintong sinusubok sa apoy
kung tunay o hindi.
Tatawag sila sa akin
at diringgin ko sila.
Sasabihin ko,
‘Sila ang aking mga mamamayan.’
At sasabihin din nila,
‘Ang Panginoon ang aming Diyos.’ ”

Kasalukuyang Napili:

Zacarias 13: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in