Skip to content
Logo ng Bible App

Mga Taga-Roma 15:9 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Taga-Roma 15:9 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag. Tulad ng nasusulat, “Kaya't sa gitna ng mga Hentil, ika'y aking pupurihin, ang karangalan mo'y aking aawitin, ang iyong pangalan, aking sasambahin.”

Mga Taga-Roma 15:9 ASD (Ang Salita ng Diyos)

at upang magpuri sa Diyos ang mga Hentil dahil sa kanyang habag. Ayon nga sa Kasulatan: “Pasasalamatan kita sa harap ng mga Hentil, at aawit ako ng mga papuri sa iyo.”

Mga Taga-Roma 15:9 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag. Tulad ng nasusulat, “Kaya't sa gitna ng mga Hentil, ika'y aking pupurihin, ang karangalan mo'y aking aawitin, ang iyong pangalan, aking sasambahin.”

Mga Taga-Roma 15:9 TLAB (Ang Biblia)

At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat, Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil. At aawit ako sa iyong pangalan.

Mga Taga-Roma 15:9 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))