Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA TAGA ROMA 15

15
1 # Gal. 6:1; 1 Tes. 5:14. Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng #Rom. 14:1. kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili.
2Bawa't isa sa atin ay #1 Cor. 10:33. magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti #Rom. 14:19. sa ikatitibay.
3 # Fil. 2:5. Sapagka't si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, #Awit 69:9. Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo, ay nangahulog sa akin.
4Sapagka't #Rom. 4:23, 24; 1 Cor. 9:9, 10; 10:6; 2 Tim. 3:16, 17. ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis #Awit 119:50. at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.
5Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, #Rom. 12:16. na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:
6Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo #2 Cor. 1:3; 11:31; Ef. 1:3. ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.
7Sa ganito'y #Rom. 14:1, 3. mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios.
8Sapagka't sinasabi ko na #Mat. 15:24. si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, #2 Cor. 1:20. upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,
9At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat,
# 2 Sam. 22:50; Awit 18:49. Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil.
At aawit ako sa iyong pangalan.
10At muling sinasabi niya,
# Deut. 32:43. Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.
11At muli,
# Awit 117:1. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil;
At purihin siya ng lahat ng mga bayan.
12At muli, sinasabi ni Isaias,
# Is. 11:10. Magkakaroon ng ugat kay Jesse,
At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil;
Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.
13Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
14 # 2 Ped. 1:12; 1 Juan 2:21. At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.
15Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa #Rom. 1:5. biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,
16 # Gawa 9:15; Rom. 11:13. Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging #tal. 31; 2 Cor. 8:12. kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.
17Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.
18Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, #Gawa 15:12; 21:19; Gal. 2:8. maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, #Rom. 1:5; 16:26. sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa,
19Sa bisa ng mga tanda #Gawa 19:11. at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;
20Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, #1 Cor. 3:10; 2 Cor. 10:13, 15, 16. upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;
21Kundi, gaya ng nasusulat,
# Is. 52:15. Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya,
At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.
22Kaya't madalas namang #1 Tes. 2:18. napigil ako ng pagpariyan sa inyo:
23Datapuwa't ngayon, na wala nang dako sa mga #2 Cor. 11:10. lupaing ito, #tal. 32; Gawa 19:21; Rom. 1:11. at malaon nang panahong ako'y may nasang pumariyan sa inyo,
24Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako (sapagka't inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay, #Gawa 15:3. at ako'y sasamahan ninyo patungo doon, pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo)—
25Nguni't ngayon, sinasabi ko, #Gawa 19:21; 20:3, 22; 24:17. ako'y pasasa-Jerusalem, upang mamahagi sa mga banal.
26Sapagka't #Gawa 24:17; 2 Cor. 9:2. minagaling ng #Gawa 19:21; 1 Tes. 1:7, 8. Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem.
27Oo, ito'y kalugodlugod sa kanila; at sila'y may utang na loob sa kanila. #Rom. 11:17; 1 Cor. 9:11. Sapagka't kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman.
28Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila #Rom. 1:13. ang bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana.
29At nalalaman ko #Rom. 1:11. na, pagpariyan ko sa inyo, ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo.
30Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, #2 Cor. 1:11; Col. 4:12. na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin;
31Upang ako'y maligtas #Gawa 20:22, 23; 2 Cor. 1:10; 2 Tes. 3:2. sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea, at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging #tal. 16. kalugodlugod sa mga banal;
32Upang #Rom. 1:10. sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ako'y makarating sa inyo na may kagalakan, at ako'y makipamahinga sa inyo.
33Ngayon #Rom. 16:20; Fil. 4:9; 1 Tes. 5:23. ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.

Kasalukuyang Napili:

MGA TAGA ROMA 15: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya