Mga Taga-Roma 15:27 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Taga-Roma 15:27 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Malugod nilang ginawa iyon, at talaga namang dapat nilang gawin. Dahil ang mga Hentil ay nakabahagi sa mga pagpapalang espirituwal ng mga Judio, marapat lamang na bahaginan nila ang mga Judio sa pamamagitan ng mga pagpapalang materyal.
Mga Taga-Roma 15:27 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Masaya nilang ginagawa ito, at ito ang nararapat, dahil may utang na loob sila sa mga kapatid sa Jerusalem. Kung ang mga Hentil ay nakabahagi sa pagpapalang espirituwal ng mga Hudyo, dapat lang na tulungan nila ang mga Hudyo sa mga pagpapalang materyal.
Mga Taga-Roma 15:27 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Malugod nilang ginawa iyon, at talaga namang dapat nilang gawin. Dahil ang mga Hentil ay nakabahagi sa mga pagpapalang espirituwal ng mga Judio, marapat lamang na bahaginan nila ang mga Judio sa pamamagitan ng mga pagpapalang materyal.
Mga Taga-Roma 15:27 TLAB (Ang Biblia)
Oo, ito'y kalugodlugod sa kanila; at sila'y may utang na loob sa kanila. Sapagka't kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman.
Mga Taga-Roma 15:27 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))