Mga Awit 36:1-4
Mga Awit 36:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama, sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika; tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala. Ang palagay sa sarili, siya'y isang dakila na; ang akala'y hindi batid ni Yahweh ang kanyang sala, kaya't kanyang iniisip, hindi siya magdurusa. Kung mangusap ay masama at ubod nang sinungaling; dahop na ang karunungan sa paggawa ng magaling. Masama ang binabalak samantalang nahihimlay, masama rin ang ugali, at isa pang kasamaa'y ang laging inaakap ay gawaing mahahalay.
Mga Awit 36:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Bumubulong ang kasalanan sa puso ng masamang tao. Ni wala man lang siyang takot sa Diyos. Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili, hindi niya nakikita ang kanyang kasalanan upang kamuhian ito. Ang kanyang mga sinasabi ay puro kasamaan at kasinungalingan. Hindi na niya iniisip ang paggawa ng ayon sa karunungan at kabutihan. Kahit siyaʼy nakahiga, nagbabalak siya ng masama. Napagpasyahan niyang gumawa nang hindi mabuti, at hindi niya tinatanggihan ang kasamaan.
Mga Awit 36:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso: walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata. Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman. Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti. Siya'y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; siya'y lumagay sa isang daan na hindi mabuti; hindi niya kinayayamutan ang kasamaan.
Mga Awit 36:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama, sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika; tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala. Ang palagay sa sarili, siya'y isang dakila na; ang akala'y hindi batid ni Yahweh ang kanyang sala, kaya't kanyang iniisip, hindi siya magdurusa. Kung mangusap ay masama at ubod nang sinungaling; dahop na ang karunungan sa paggawa ng magaling. Masama ang binabalak samantalang nahihimlay, masama rin ang ugali, at isa pang kasamaa'y ang laging inaakap ay gawaing mahahalay.
Mga Awit 36:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso: Walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata. Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, Na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman. Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: Iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti. Siya'y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; Siya'y lumagay sa isang daan na hindi mabuti; Hindi niya kinayayamutan ang kasamaan.