Salmo 36
36
Salmo 36
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David, ang lingkod ng Panginoon.
1Bumubulong ang kasalanan
sa puso ng masamang tao.
Ni wala man lang siyang takot sa Diyos.
2Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili,
hindi niya nakikita ang kanyang kasalanan
upang kamuhian ito.
3Ang kanyang mga sinasabi
ay puro kasamaan at kasinungalingan.
Hindi na niya iniisip ang paggawa
ng ayon sa karunungan at kabutihan.
4Kahit siyaʼy nakahiga,
nagbabalak siya ng masama.
Napagpasyahan niyang gumawa nang hindi mabuti,
at hindi niya tinatanggihan ang kasamaan.
5 Panginoon, ang inyong pag-ibig at katapatan
ay umaabot hanggang sa kalangitan.
6Ang inyong katuwiran
ay kasintatag ng kabundukan.
Ang inyong paraan ng paghatol
ay sinlalim ng karagatan.
Ang mga tao o hayop man
ay inyong iniingatan, O Panginoon.
7Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong
walang hanggan, O Diyos!
Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo,
tulad ng pagkalinga ng inahing manok
sa kanyang mga inakay sa ilalim
ng kanyang pakpak.
8Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo sila
nang masaganang handa,
at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilog
ng kaligayahan.
9Dahil kayo ang nagbibigay ng buhay.
Pinapaliwanagan nʼyo kami,
at naliliwanagan ang aming isipan.
10Patuloy nʼyong ibigin
ang mga kumikilala sa inyo,
at bigyan nʼyo ng katarungan
ang mga namumuhay nang matuwid.
11Huwag nʼyong payagang akoʼy tapakan
ng mga mapagmataas
o itaboy ng mga masasamâ.
12Ang masasamang tao
ay mapapahamak nga.
Silaʼy babagsak at hindi na muling makakabangon pa.
Kasalukuyang Napili:
Salmo 36: ASD
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.