Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Bilang 24:1-25 - Compare All Versions

Mga Bilang 24:1-25 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Nang matiyak ni Balaam na talagang gusto ni Yahweh na basbasan niya ang Israel, hindi na siya humanap ng palatandaan tulad ng dati. Tumanaw siya sa ilang at nakita niya ang kampo ng Israel, sama-sama bawat lipi. Nilukuban siya ng Espiritu ng Diyos at siya'y nagsalita, “Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor, ang pahayag ng taong may malinaw na paningin. Ang pahayag ng nakikinig sa mga salita ng Diyos, at nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan. Kahit nabulagta sa lupa ngunit nanatiling malinaw ang paningin. Anong ganda, O Jacob, ng iyong mga tolda; kay inam, O Israel, ng iyong mga tirahan. Wari'y napakalawak na libis, parang hardin sa tabi ng batis. Wari'y punongkahoy na mabango, itinanim ni Yahweh, matataas na punong sedar sa tabi ng mga bukal. Ang tubig ay aapaw sa lahat niyang sisidlan, kapangyarihan niya'y madarama sa lahat ng lugar. Ang hari niya ay magiging mas malakas kaysa kay Agag, at ang kanyang kaharian ay magiging napakalawak. Inilabas siya ng Diyos sa bansang Egipto; ang lakas na ginamit niya'y waring lakas ng toro. Kaaway niya'y lulupigin pati buto'y dudurugin; sa tulis ng kanyang pana, lahat sila'y tutuhugin. Siya'y parang leon sa kanyang higaan, walang mangahas gumambala sa kanyang pagkahimlay. Pagpalain nawa ang sa iyo ay nagpapala; susumpain ang lahat ng sa iyo ay susumpa.” Galit na galit si Balac kay Balaam. Nanggigil siya sa galit at kanyang sinabi, “Ipinatawag kita upang sumpain ang aking mga kaaway. Ngunit anong ginawa mo? Tatlong beses mo pa silang binasbasan! Mabuti pa'y umuwi ka na! Pararangalan sana kita pero hinadlangan iyon ni Yahweh.” Sinabi ni Balaam kay Balac, “Sinabi ko na sa iyong mga sugo na kahit ibigay mo sa akin ang lahat ng pilak at ginto sa iyong sambahayan ay hindi ko gagawin ang hindi ipinagagawa sa akin ni Yahweh. Sinabi ko rin sa kanila na ang sasabihin lamang sa akin ni Yahweh ang siya kong sasabihin.” “Oo, uuwi ako. Ngunit sasabihin ko muna sa iyo kung ano ang gagawin sa inyo ng bayang ito balang araw.” Muli siyang nagsalita, “Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor, ang mensahe ng taong may malinaw na paningin. Ang pahayag ng isang taong nakikinig sa salita ng Diyos, ng nakakaalam ng kalooban ng Kataas-taasang Diyos, ng nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan. Kahit nabuwal sa lupa'y malinaw pa rin ang aking paningin. Mayroon akong nakikita ngunit hindi pa ngayon magaganap, nakikita ko ngayon ang mangyayari sa hinaharap. Mula sa lahi ni Jacob ay lilitaw ang isang bituin, sa lahi ni Israel ay may maghahari rin. Mga pinuno ni Moab ay kanyang lilipulin, lahat ng mga anak ni Set ay kanyang pababagsakin. Sasakupin niya ang Edom at ang mga kaaway niya sa Seir, samantala'y patuloy na magwawagi ang bansang Israel. Lulupigin silang lahat nitong bansang Israel, ang natitirang buháy sa mga lunsod ay kanilang uubusin.” Nang makita niya sa pangitain ang Amalek ay ganito ang sinabi niya: “Ang Amalek ay bansang pangunahin, ngunit sa huli, siya ay lilipulin.” Sinabi pa niya nang makita sa pangitain ang mga Cineo: “Tirahan mo ay matibay at matatag. Gayunman, ang bansang Cineo ay parang pugad na nasa mataas. Di magtatagal, bibihagin ka ni Asur.” Nagpatuloy siya sa kanyang pahayag, “Sino'ng maaaring mabuhay kapag ito'y isinagawa ng Diyos? Darating ang mga barko, mula sa Kitim upang kanilang lusubin si Asur at si Eber, ngunit sa bandang huli, siya'y malulupig din.” Pagkatapos, si Balaam ay umuwi na, at ganoon din si Balac.

Mga Bilang 24:1-25 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Samantala, nang mapag-isip-isip ni Balaam na gusto ng PANGINOON na pagpalain ang Israel, hindi na siya nangkulam katulad ng ginawa niya noong una. Sa halip, humarap siya sa disyerto at nakita niya ang mga Israelita na nagkakampo ayon sa kani-kanilang lahi. Pagkatapos, pinuspos siya ng Espiritu ng Diyos, at sinabi niya, “Ako si Balaam na anak ni Beor, at may malinaw akong pang-unawa. Narinig ko ang salita ng Diyos, at nakakita ako ng isang pangitain na mula sa Diyos na Makapangyarihan. Nagpatirapa ako at nagpahayag siya sa akin. Ito ang aking mensahe: ‘Anong ganda ng inyong mga toldang tinitirhan ng mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob. Katulad ito ng mga nakahanay na palma, o ng mga tanim sa tabing-ilog. Katulad din ito ng puno ng aloe na itinanim ng PANGINOON, o ng mga puno ng sedro sa tabi ng tubig. Umaapaw ang mga tubig sa kanilang mga lalagyan, at nagtatanim sila ng buto sa mga lupang sagana sa tubig. Ang kanilang hari ay magiging mas nakahihigit pa kaysa kay Agag na hari ng Amalekita, at ang kanilang kaharian ay magiging tanyag. Inilabas sila ng Diyos sa Ehipto; para sa kanila, katulad siya ng isang malakas na toro. Lulupigin nila ang kanilang mga kaaway; tutuhugin sa tulis ng pana at dudurugin ang kanilang mga buto. Katulad sila ng mga leon na kapag nakatulog na ay wala nang mangangahas pang gumising sa kanila. Pagpapalain ang mga nagpapala sa kanila at susumpain ang mga sumusumpa sa kanila.’ ” Dahil dito, naging matindi ang galit ni Balak kay Balaam. Isinuntok niya ang kanyang kamao sa kanyang palad at sinabi, “Ipinatawag kita para sumpain ang aking mga kaaway, ngunit binasbasan mo pa sila ng tatlong beses. Umuwi ka na lang! Nangako ako sa iyong babayaran kita ng malaking halaga, ngunit hindi pumayag ang PANGINOON na matanggap mo ang bayad.” Sumagot si Balaam kay Balak, “Hindi baʼt sinabihan ko ang iyong mga mensahero, na kahit ibigay mo pa sa akin ang iyong palasyong puno ng pilak at ginto, hindi ako makakagawa ng sarili kong kagustuhan, masama man ito o mabuti. Kung ano ang sinasabi ng PANGINOON sa akin, iyon lang ang aking sasabihin. Uuwi ako ngayon din sa aking mga kababayan, ngunit bago ako umalis, paaalalahanan muna kita kung ano ang gagawin ng mga Israelitang ito sa iyong mga mamamayan balang araw.” Pagkatapos, sinabi ni Balaam ang propesiyang ito: “Ako si Balaam na anak ni Beor, at may malinaw akong pang-unawa. Narinig ko ang salita ng Kataas-taasang Diyos, at nakakita ako ng pangitain mula sa Diyos na Makapangyarihan. Nagpatirapa ako sa kanya at nagpahayag siya sa akin: “May nakita ako sa aking pangitain na hindi pa nangyayari. Sa hinaharap ay mamamahala ang isang hari sa Israel mula sa lahi ni Jacob. Ibabagsak niya ang mga Moabita at ang lahat ng lahi ni Set. Sasakupin niya ang Edom na kanyang kaaway, na tinatawag ding Seir, habang tumatatag ang Israel. Mamumuno ang isang pinuno sa Israel at ibabagsak niya ang mga natirang buháy sa lungsod ng Moab.” Pagkatapos, nakita ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Amalekita at sinabi niya: “Ang Amalek noon ang nangunguna sa mga bansa, ngunit sa huli, babagsak ito.” Pagkatapos, nakita na naman ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Cineo at sinabi niya, “Matatag ang inyong tinitirhan, dahil nakatayo ito sa mga bato ngunit babagsak kayo kapag binihag kayo ng Asiria.” At sinabi pa ni Balaam ang mensaheng ito, “Kahabag-habag! Sino ba ang mabubuhay kung gagawin ito ng Diyos? Darating ang mga barko mula sa Kitim at sasakupin nila ang mga mamamayan ng Asiria at ng Eber, ngunit babagsak din ang Kitim.” Pagkatapos, umuwi si Balaam at ganoon din si Balak.

Mga Bilang 24:1-25 TLAB (Ang Biblia)

At nang makita ni Balaam na kinalugdan ng Panginoon na pagpalain ang Israel, ay hindi naparoon na gaya ng una na kumita ng pamahiin, kundi kaniyang itinitig ang kaniyang mukha sa dakong ilang. At itinaas ni Balaam ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita ang Israel na tumatahan ayon sa kanilang mga lipi; at ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya. At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Si Balaam na anak ni Beor ay nagsabi, At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi; Siya'y nagsabi na nakarinig ng mga salita ng Dios, Na nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata: Pagka iinam ng iyong mga tolda, Oh Jacob, Ang iyong mga tabernakulo, Oh Israel! Gaya ng mga libis na nalalatag, Gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog, Gaya ng linaloes na itinanim ng Panginoon, Gaya ng mga puno ng sedro sa siping ng tubig. Tubig ay aagos mula sa kaniyang pang-igib, At ang kaniyang binhi ay matatatag sa maraming tubig, At ang kaniyang hari ay tataas ng higit kay Agag, At ang kaniyang kaharian ay mababantog. Dios ang naglalabas sa kaniya sa Egipto; May lakas na gaya ng mabangis na toro: Kaniyang lalamunin ang mga bansa na kaniyang mga kaaway, At kaniyang pagwawaraywarayin ang kanilang mga buto, At palalagpasan sila ng kaniyang mga pana. Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon, At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya? Pagpalain nawa yaong lahat na nagpapala sa iyo, At sumpain yaong lahat na sumusumpa sa iyo. At ang galit ni Balac ay nagningas laban kay Balaam, at pinaghampas niya ang kaniyang mga kamay; at sinabi ni Balac kay Balaam, Tinawag kita upang iyong sumpain ang aking mga kaaway, at, narito, iyong binasbasan totoo sila nitong makaitlo. Ngayon nga ay tumakas ka sa iyong sariling dako: aking inisip na itaas kita sa dakilang karangalan; nguni't, narito, pinigil ka ng Panginoon sa karangalan. At sinabi ni Balaam kay Balac, Di ba sinalita ko rin sa iyong mga sugo na iyong sinugo sa akin, na sinasabi, Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon, na gumawa ako ng mabuti o masama sa aking sariling akala; kung ano nga ang salitain ng Panginoon, ay siya kong sasalitain? At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa mga huling araw. At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Nagsabi si Balaam na anak ni Beor, At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi; Siya'y nagsabi, na nakarinig ng mga salita ng Dios, At nakaalam ng karunungan ng Kataastaasan, Na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata: Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan. At ang Edom ay magiging pag-aari niya. Ang Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway; Samantalang ang Israel ay magpapakatapang. At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan, At gigibain niya sa bayan ang nalalabi. At kaniyang minasdan ang Amalec, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Ang Amalec ay siyang dating panguna sa mga bansa; Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapupuksa. At kaniyang minasdan ang Cineo, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Matibay ang iyong dakong tahanan, At ang iyong pugad ay nalalapag sa malaking bato. Gayon ma'y mawawasak ang Cain, Hanggang sa ikaw ay madalang bihag ng Assur. At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Ay! sinong mabubuhay pagka ginawa ng Dios ito? Datapuwa't ang mga sasakyan ay manggagaling sa baybayin ng Cittim. At kanilang pagdadalamhatiin ang Assur, at kanilang pagdadalamhatiin ang Eber, At siya man ay mapupuksa. At si Balaam ay tumindig, at yumaon at bumalik sa kaniyang sariling dako: at si Balac naman ay yumaon ng kaniyang lakad.

Mga Bilang 24:1-25 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Nang matiyak ni Balaam na talagang gusto ni Yahweh na basbasan niya ang Israel, hindi na siya humanap ng palatandaan tulad ng dati. Tumanaw siya sa ilang at nakita niya ang kampo ng Israel, sama-sama bawat lipi. Nilukuban siya ng Espiritu ng Diyos at siya'y nagsalita, “Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor, ang pahayag ng taong may malinaw na paningin. Ang pahayag ng nakikinig sa mga salita ng Diyos, at nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan. Kahit nabulagta sa lupa ngunit nanatiling malinaw ang paningin. Anong ganda, O Jacob, ng iyong mga tolda; kay inam, O Israel, ng iyong mga tirahan. Wari'y napakalawak na libis, parang hardin sa tabi ng batis. Wari'y punongkahoy na mabango, itinanim ni Yahweh, matataas na punong sedar sa tabi ng mga bukal. Ang tubig ay aapaw sa lahat niyang sisidlan, kapangyarihan niya'y madarama sa lahat ng lugar. Ang hari niya ay magiging mas malakas kaysa kay Agag, at ang kanyang kaharian ay magiging napakalawak. Inilabas siya ng Diyos sa bansang Egipto; ang lakas na ginamit niya'y waring lakas ng toro. Kaaway niya'y lulupigin pati buto'y dudurugin; sa tulis ng kanyang pana, lahat sila'y tutuhugin. Siya'y parang leon sa kanyang higaan, walang mangahas gumambala sa kanyang pagkahimlay. Pagpalain nawa ang sa iyo ay nagpapala; susumpain ang lahat ng sa iyo ay susumpa.” Galit na galit si Balac kay Balaam. Nanggigil siya sa galit at kanyang sinabi, “Ipinatawag kita upang sumpain ang aking mga kaaway. Ngunit anong ginawa mo? Tatlong beses mo pa silang binasbasan! Mabuti pa'y umuwi ka na! Pararangalan sana kita pero hinadlangan iyon ni Yahweh.” Sinabi ni Balaam kay Balac, “Sinabi ko na sa iyong mga sugo na kahit ibigay mo sa akin ang lahat ng pilak at ginto sa iyong sambahayan ay hindi ko gagawin ang hindi ipinagagawa sa akin ni Yahweh. Sinabi ko rin sa kanila na ang sasabihin lamang sa akin ni Yahweh ang siya kong sasabihin.” “Oo, uuwi ako. Ngunit sasabihin ko muna sa iyo kung ano ang gagawin sa inyo ng bayang ito balang araw.” Muli siyang nagsalita, “Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor, ang mensahe ng taong may malinaw na paningin. Ang pahayag ng isang taong nakikinig sa salita ng Diyos, ng nakakaalam ng kalooban ng Kataas-taasang Diyos, ng nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan. Kahit nabuwal sa lupa'y malinaw pa rin ang aking paningin. Mayroon akong nakikita ngunit hindi pa ngayon magaganap, nakikita ko ngayon ang mangyayari sa hinaharap. Mula sa lahi ni Jacob ay lilitaw ang isang bituin, sa lahi ni Israel ay may maghahari rin. Mga pinuno ni Moab ay kanyang lilipulin, lahat ng mga anak ni Set ay kanyang pababagsakin. Sasakupin niya ang Edom at ang mga kaaway niya sa Seir, samantala'y patuloy na magwawagi ang bansang Israel. Lulupigin silang lahat nitong bansang Israel, ang natitirang buháy sa mga lunsod ay kanilang uubusin.” Nang makita niya sa pangitain ang Amalek ay ganito ang sinabi niya: “Ang Amalek ay bansang pangunahin, ngunit sa huli, siya ay lilipulin.” Sinabi pa niya nang makita sa pangitain ang mga Cineo: “Tirahan mo ay matibay at matatag. Gayunman, ang bansang Cineo ay parang pugad na nasa mataas. Di magtatagal, bibihagin ka ni Asur.” Nagpatuloy siya sa kanyang pahayag, “Sino'ng maaaring mabuhay kapag ito'y isinagawa ng Diyos? Darating ang mga barko, mula sa Kitim upang kanilang lusubin si Asur at si Eber, ngunit sa bandang huli, siya'y malulupig din.” Pagkatapos, si Balaam ay umuwi na, at ganoon din si Balac.

Mga Bilang 24:1-25 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))