Nahum 2:5-13 - Compare All Versions
Nahum 2:5-13 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagtawag sa mga pinuno'y nagkakandarapa sila sa paglapit. Nagmamadali nilang tinungo ang pader na tanggulan, upang ilagay ang pananggalang laban sa mantelet. Nabuksan na ang mga pintuan sa ilog, at ang mga tao sa palasyo ay nanginginig sa takot. Ang reyna ay dinalang-bihag, kaya't dinadagukan ng mga lingkod ang kanilang dibdib. Sila'y nag-iiyakan, gaya ng mga kalapating nananaghoy. Tulad ng tubig sa isang lawa na wasak ang pampang, ang mga tao'y mabilis na tumatakas mula sa Nineve. “Huminto kayo!” ang sigaw nila, ngunit kahit isa ay wala man lang lumingon. Samsamin ang pilak! Samsamin ang ginto! Ang lunsod ay puno ng kayamanan! Wasak na ang Nineve! Iniwan na ng mga tao at ngayo'y mapanglaw na. Ang mga tao'y nasisindak, nanginginig ang mga tuhod; wala nang lakas, at putlang-putla sa takot. Wala na ang lunsod na parang yungib ng mga leon, ang dakong tirahan ng mga batang leon. Wala na rin ang dakong pinagtataguan ng inahing leon, ang lugar kung saan ligtas ang kanyang mga anak. Pinatay na ng leon ang kanyang biktima at nilapa ito para sa kanyang asawa at mga anak; napuno ng nilapang hayop ang kanyang tirahan. “Ako ang kalaban mo,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. “Susunugin ko ang iyong mga karwahe at mamamatay sa digmaan ang mga kawal mo. Kukunin ko sa iyo ang lahat ng iyong sinamsam sa iba. Ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig kailanman.”
Nahum 2:5-13 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Inuutusan ng hari ang mga opisyal ng mga kawal. Nagkakandarapa sila papunta sa mga pader upang maglagay ng mga pananggalang para sa mga sundalong wawasak ng pader. Ang tarangkahan ng mga ilog ay mabubuksan, at ang palasyo ay guguho. Naipahayag na, na bibihagin kayo at dadalhin sa ibang bayan. Uungol ang inyong mga utusang babae na parang kalapati habang dinadagukan nila ang kanilang dibdib dahil sa kalungkutan. Ang mga taong tumatakas mula sa Nineve ay parang tubig na umagos mula sa nawasak na imbakan ng tubig. Ang mga tumatakas ay pinapabalik ng kanilang mga kasama ngunit wala ni isa mang bumalik. Samsamin ninyo ang pilak! Samsamin ninyo ang ginto! Hindi mauubos ang kayamanan ng Nineve, hindi mabibilang ang mamahaling bagay nila. Malilipol, mawawasak at magiging mapanglaw na ang Nineve! Kaya natatakot ang mga mamamayan nito, nanghihina ang buong katawan nila, nanginginig ang kanilang mga tuhod, at namumutla silang lahat. Ang Nineve ay parang yungib na tinitirhan ng mag-asawang leon at ng mga anak nito. Walang puwedeng manakit sa kanila sa yungib. Pinapatay at nilalapa ng lalaking leon ang kanyang biktima at ibinibigay sa kanyang asawa at mga anak. Pinupuno niya ang kanyang yungib ng karne ng kanyang mga biktima. Ngunit ngayon, ang Nineve ay wawasakin na. Sapagkat sinasabi ng PANGINOON ng mga Hukbo, “Makinig kayong mga taga-Nineve! Kalaban ko kayo! Kaya susunugin ko ang inyong mga karwahe at mamamatay sa digmaan ang inyong mga kawal. Wawakasan ko na ang inyong pambibiktima sa lupain. Hindi na kayo makapagpapadala ng mga mensahero sa ibang bansa.”
Nahum 2:5-13 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagtawag sa mga pinuno'y nagkakandarapa sila sa paglapit. Nagmamadali nilang tinungo ang pader na tanggulan, upang ilagay ang pananggalang laban sa mantelet. Nabuksan na ang mga pintuan sa ilog, at ang mga tao sa palasyo ay nanginginig sa takot. Ang reyna ay dinalang-bihag, kaya't dinadagukan ng mga lingkod ang kanilang dibdib. Sila'y nag-iiyakan, gaya ng mga kalapating nananaghoy. Tulad ng tubig sa isang lawa na wasak ang pampang, ang mga tao'y mabilis na tumatakas mula sa Nineve. “Huminto kayo!” ang sigaw nila, ngunit kahit isa ay wala man lang lumingon. Samsamin ang pilak! Samsamin ang ginto! Ang lunsod ay puno ng kayamanan! Wasak na ang Nineve! Iniwan na ng mga tao at ngayo'y mapanglaw na. Ang mga tao'y nasisindak, nanginginig ang mga tuhod; wala nang lakas, at putlang-putla sa takot. Wala na ang lunsod na parang yungib ng mga leon, ang dakong tirahan ng mga batang leon. Wala na rin ang dakong pinagtataguan ng inahing leon, ang lugar kung saan ligtas ang kanyang mga anak. Pinatay na ng leon ang kanyang biktima at nilapa ito para sa kanyang asawa at mga anak; napuno ng nilapang hayop ang kanyang tirahan. “Ako ang kalaban mo,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. “Susunugin ko ang iyong mga karwahe at mamamatay sa digmaan ang mga kawal mo. Kukunin ko sa iyo ang lahat ng iyong sinamsam sa iba. Ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig kailanman.”
Nahum 2:5-13 TLAB (Ang Biblia)
Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani: sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon, at ang panakip ay handa. Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas, at ang palacio ay nalansag. At si Huzab ay nahubdan; siya'y dinala; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati, na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib. Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig: gayon ma'y nagsisitakas. Tigil kayo, tigil kayo, isinisigaw nila; nguni't walang lumilingon. Kunin ninyo ang samsam na pilak, kunin ninyo ang samsam na ginto; sapagka't walang katapusang kayamanan, na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan. Siya'y tuyo, at walang laman, at wasak; at ang puso ay natutunaw, at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan, at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang, at ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla. Saan nandoon ang yungib ng mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila? Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon, at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib. Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig.
Nahum 2:5-13 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))