Mikas 1:2-7
Mikas 1:2-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pakinggan ninyo ito, mga bansa, kayong lahat na naninirahan sa buong daigdig. Ang pahayag ng Panginoong Yahweh laban sa inyo ay pakinggan. Siya'y nagsasalita buhat sa kanyang banal na templo. Lalabas si Yahweh mula sa kanyang dakong banal. Bababâ at maglalakad sa mga sagradong bundok. Sa sandaling yapakan niya ang mga bundok, ang mga ito'y matutunaw. At ang mga libis ay mabibiyak na gaya ng kandilang nadarang sa init ng apoy, gaya ng tubig na aagos mula sa burol. Ang lahat ng ito'y magaganap dahil sa pagsuway ng lahi ni Jacob, dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ni Israel. Sino ang dapat sisihin sa paghihimagsik ng Israel? Walang iba kundi ang Samaria! Sino ang sumamba sa mga diyus-diyosan? Walang iba kundi ang mga taga-Jerusalem! Kaya't sinabi ni Yahweh, “Gigibain ko ang Samaria at lubusang iguguho, hanggang siya'y maging isang bunton ng lupa, na angkop lamang pagtaniman ng ubas. Paguguhuin ko papunta sa libis ang kanyang mga bato, at wawasakin ko ang kanyang mga pundasyon. Madudurog ang lahat ng imahen doon; masusunog ang lahat ng ibinabayad ng mga sumasamba roon. At ang mga diyus-diyosan doon ay mawawasak; sapagkat ang mga ito'y bayad sa mga upahang babae ng mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, kaya't iyon ay tatangayin ng kanilang mga kaaway.”
Mikas 1:2-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Makinig kayong mabuti, lahat kayong mga mamamayan sa buong mundo. Sapagkat sasaksi ang Makapangyarihang PANGINOON laban sa inyo mula sa kanyang banal na Templo. “Makinig kayo! Lalabas ang PANGINOON mula sa kanyang tahanan. Bababa siya at lalakad sa matataas na bahagi ng mundo. Ang mga bundok na kanyang malalakaran ay matutunaw na parang mga kandila na nadikit sa apoy, at magiging lubak-lubak ang mga patag na parang dinaanan ng tubig na umagos mula sa matatarik na lugar. Mangyayari ang lahat ng ito dahil sa mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel at Juda. Ang mga taga-Samaria ang nag-udyok sa ibang mga mamamayan ng Israel upang magkasala. At ang mga taga-Jerusalem naman ang nag-udyok sa ibang mga mamamayan ng Juda upang sumamba sa mga diyos-diyosan. “Kaya gigibain ko ang Samaria at tataniman na lang ito ng mga ubas. Pagugulungin ko ang mga bato nito papunta sa kapatagan hanggang sa makita ang mga pundasyon nito. Lahat ng diyos-diyosan nito ay madudurog, at ang upa ng mga babaeng bayaran sa templo nito ay masusunog. Wawasakin ko ang mga imahen nito. Sapagkat galing sa upa ng mga babaeng bayaran ang mga handog na naipon, at muling gagamitin bilang upa para sa ibang babaeng bayaran.”

Mikas 1:2-7 Ang Biblia (TLAB)
Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo. Sapagka't, narito, ang Panginoo'y lumalabas sa kaniyang dako, at bababa, at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa. At ang mga bundok ay mangatutunaw sa ilalim niya, at ang mga libis ay mauupos, na parang pagkit sa harap ng apoy, parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok. Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang Samaria? at ano ang mga mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem? Kaya't gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang, at parang mga pananim sa ubasan; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis, at aking ililitaw ang mga patibayan niyaon. At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira; sapagka't sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi.
Mikas 1:2-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Mikas 1:2-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)