Mikas 1:1
Mikas 1:1 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Mikas na isang taga-Moreset. Noong panahon ng paghahari sa Juda ni Haring Jotham, Haring Ahaz, at Haring Hezekias, sinabi sa kanya ni Yahweh ang mga pahayag tungkol sa Samaria at sa Jerusalem.
Mikas 1:1 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang salita ng PANGINOON na ipinahayag niya kay Micas na taga-Moreset patungkol sa Samaria at Jerusalem noong mga panahong naghahari sa Juda sina Jotam, Ahaz, at Hezekias. Sinabi ni Micas
Mikas 1:1 Ang Biblia (TLAB)
Ang Salita ng Panginoon na dumating kay Mikas na Morastita, nang mga kaarawan ni Jotham, ni Achaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, na nakakita ng tungkol sa Samaria at sa Jerusalem.
Mikas 1:1 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)