Mateo 7:7-12
Mateo 7:7-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Mateo 7:7-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo. Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakatatanggap; ang naghahanap ay nakatatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan. “Sino ba sa inyo ang magbibigay ng bato sa kanyang anak kung humihingi siya ng tinapay? O ng ahas kung humihingi siya ng isda? Kayo nga, kahit masasama kayo, marunong kayong magbigay ng mabubuting regalo sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting regalo ang mga humihingi sa kanya. “Kaya sa lahat ng bagay, gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa ninyo, sapagkat ito ang buod ng Kautusan at ng isinulat ng mga propeta.
Mateo 7:7-12 Ang Biblia (TLAB)
Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan: Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay; O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas? Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya? Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.
Mateo 7:7-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”
Mateo 7:7-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)