Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 26:14-25

Mateo 26:14-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Nang magkagayo'y isa sa labingdalawa, na tinatawag na Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, At sinabi, Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya'y ibibigay ko sa inyo? At siya'y tinimbangan nila ng tatlongpung putol na pilak. At buhat nang panahong yao'y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya. Nang unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua? At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad. At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua. Nang dumating nga ang gabi, ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad; At samantalang sila'y nagsisikain, ay sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo. At sila'y lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawa't isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon? At siya'y sumagot at sinabi, Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin. Ang Anak ng tao ay papanaw, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak. At si Judas, na sa kaniya'y nagkanulo, ay sumagot at nagsabi, Ako baga, Rabi? Sinabi niya sa kaniya, Ikaw ang nagsabi.

Mateo 26:14-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong pari. “Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Jesus?” tanong niya. Noon di'y binayaran nila si Judas ng tatlumpung pirasong pilak. Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Jesus. Dumating ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, “Saan po ninyo nais na maghanda kami ng hapunang pampaskwa?” Sumagot siya, “Puntahan ninyo sa lunsod ang isang tao at sabihin ninyo sa kanya, ‘Ipinapasabi po ng Guro na sumapit na ang kanyang oras. Siya at ang mga alagad niya'y sa bahay ninyo kakain ng hapunang pampaskwa.’” Sinunod ng mga alagad ang utos ni Jesus, at doo'y inihanda nga nila ang hapunang pampaskwa. Nang gabing iyon, dumulog sa mesa si Jesus, kasama ang Labindalawa. Sinabi ni Jesus habang sila'y kumakain, “Tandaan ninyo, ako'y pagtataksilan ng isa sa inyo!” Nanlumo ang mga alagad, at isa-isang nagtanong sa kanya, “Hindi ako iyon, di po ba, Panginoon?” Sumagot si Jesus, “Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. Mamamatay ang Anak ng Tao ayon sa nasusulat tungkol sa kanya subalit kahabag-habag ang taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pa sa taong iyon ang hindi na siya ipinanganak!” Si Judas na magkakanulo sa kanya ay nagtanong din, “Guro, ako po ba?” Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang nagsabi.”

Mateo 26:14-25 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Si Judas Iscariote na isa sa labindalawang alagad ay pumunta sa mga namamahalang pari. Sinabi niya sa kanila, “Ano po ang ibabayad ninyo sa akin kung tutulungan ko kayong madakip si Hesus?” Noon din ay binigyan nila si Judas ng tatlumpung pirasong pilak. Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon para ipagkanulo si Hesus. Nang dumating ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, lumapit ang mga alagad ni Hesus at nagtanong, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda ng hapunan para sa Pista ng Paglampas ng Anghel?” Sumagot si Hesus, “Pumunta kayo sa Jerusalem, doon sa taong binanggit ko sa inyo, at sabihin ninyo sa kanya, ‘Ipinasasabi ng Guro: Ang aking oras ay malapit na. Ako at aking mga alagad ay maghahapunan para ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa iyong bahay.’ ” Sinunod nila ang utos ni Hesus, at inihanda nila roon ang hapunan para sa Pista. Kinagabihan, naghapunan si Hesus at ang kanyang labindalawang alagad. Habang kumakain sila, sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang isa sa inyo ay magkakanulo sa akin.” Nalungkot sila nang marinig iyon, at isa-isa silang nagtanong sa kanya, “Panginoon, hindi po ako iyon, di po ba?” Sumagot siya, “Ang kasabay kong magsasawsaw ng tinapay sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. Ang Anak ng Tao ay papatayin ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ngunit kahabag-habag ang taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na siya ipinanganak.” Nagtanong din si Judas na siyang magkakanulo sa kanya, “Guro, ako po ba iyon?” Sumagot si Hesus, “Ikaw na ang nagsabi.”

Mateo 26:14-25 Ang Biblia (TLAB)

Nang magkagayo'y isa sa labingdalawa, na tinatawag na Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, At sinabi, Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya'y ibibigay ko sa inyo? At siya'y tinimbangan nila ng tatlongpung putol na pilak. At buhat nang panahong yao'y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya. Nang unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua? At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad. At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua. Nang dumating nga ang gabi, ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad; At samantalang sila'y nagsisikain, ay sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo. At sila'y lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawa't isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon? At siya'y sumagot at sinabi, Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin. Ang Anak ng tao ay papanaw, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak. At si Judas, na sa kaniya'y nagkanulo, ay sumagot at nagsabi, Ako baga, Rabi? Sinabi niya sa kaniya, Ikaw ang nagsabi.

Mateo 26:14-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)