Mateo 26:1-5
Mateo 26:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Matapos ituro ni Jesus ang lahat ng ito, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Gaya ng alam ninyo, dalawang araw na lamang at Paskwa na. Ang Anak ng Tao ay pagtataksilan upang maipapako sa krus.” Ang mga punong pari at ang mga pinuno ng bayan ay nagkakatipon noon sa palasyo ng pinakapunong pari na si Caifas. Binalak nilang ipadakip si Jesus nang lihim at ipapatay. Ngunit sinabi nila, “Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang mga tao.”
Mateo 26:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos ipangaral ni Hesus ang lahat nang ito, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Alam nʼyo na dalawang araw na lang at sasapit na ang Pista ng Paglampas ng Anghel, at ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga taong kumokontra sa kanya para ipako sa krus.” Sa mga oras na iyon, ang mga namamahalang pari at ang mga pinuno ng mga Hudyo ay nagpupulong sa palasyo ni Caifas na punong pari. Pinagplanuhan nila kung paano dadakpin si Hesus nang hindi nalalaman ng mga tao, at pagkatapos ay ipapapatay. Sinabi nila, “Huwag nating gawin sa pista dahil baka magkagulo ang mga tao.”
Mateo 26:1-5 Ang Biblia (TLAB)
At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Nalalaman ninyo na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang paskua, at ibibigay ang Anak ng tao upang ipako sa krus. Nang magkagayo'y ang mga pangulong saserdote, at ang mga matanda sa bayan ay nangagkatipon sa looban ng dakilang saserdote, na tinatawag na Caifas; At sila'y nangagsanggunian upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya, at siya'y patayin. Datapuwa't sinabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo sa bayan.
Mateo 26:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Matapos ituro ni Jesus ang lahat ng ito, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Gaya ng alam ninyo, dalawang araw na lamang at Paskwa na. Ang Anak ng Tao ay pagtataksilan upang maipapako sa krus.” Ang mga punong pari at ang mga pinuno ng bayan ay nagkakatipon noon sa palasyo ng pinakapunong pari na si Caifas. Binalak nilang ipadakip si Jesus nang lihim at ipapatay. Ngunit sinabi nila, “Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang mga tao.”
Mateo 26:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)