Lucas 8:14 - Compare All Versions
Lucas 8:14 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang mga nahasik naman sa may matitinik na damuhan ay ang mga nakinig sa salita ng Diyos, ngunit nang tumagal, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan. Dahil dito, hindi nahihinog ang kanilang mga bunga.
Lucas 8:14 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ang lupang may matitinik na damo kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos, ngunit sa katagalan ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay, kayamanan at kalayawan sa mundong ito. Dahil dito, hindi lumalago ang kanilang pananampalataya.
Lucas 8:14 TLAB (Ang Biblia)
At ang nahulog sa dawagan, ay ito ang nangakinig, at samantalang sila'y nagsisiyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan.
Lucas 8:14 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang mga nahasik naman sa may matitinik na damuhan ay ang mga nakinig sa salita ng Diyos, ngunit nang tumagal, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan. Dahil dito, hindi nahihinog ang kanilang mga bunga.
Lucas 8:14 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))