Levitico 4:22-31 - Compare All Versions
Levitico 4:22-31 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
“Kung isang pinuno ang nagkasala nang di sinasadya dahil nakagawa siya ng isang bagay na ipinagbabawal ni Yahweh na kanyang Diyos, sa oras na malaman niya ito ay maghahandog siya ng isang lalaking kambing na walang kapintasan. Ipapatong niya sa ulo ng kambing ang kanyang kamay at papatayin niya ito sa harapan ni Yahweh, sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin para sa kasalanan. Kukuha ng dugo ang pari at sa pamamagitan ng kanyang daliri, papahiran niya ang mga sungay ng altar ng sunugan ng mga handog. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar. Dadalhin niya sa altar ang lahat ng taba at susunugin gaya ng taba na handog pangkapayapaan. Ito ang gagawin ng pari para matubos ang kasalanan ng pinuno at siya'y patatawarin. “Kung ang nagkasala nang di sinasadya ay isang karaniwang tao dahil lumabag siya sa utos ko at malaman niya ito pagkatapos, maghahandog siya ng isang babaing kambing na walang kapintasan. Ipapatong niya sa ulo ng kambing ang kanyang kamay at papatayin niya ito doon sa lugar na patayan ng mga handog na sinusunog. Kukuha ng dugo ang pari at sa pamamagitan ng kanyang daliri'y papahiran niya ang mga sungay ng altar. Ibubuhos niya sa paanan nito ang natirang dugo. Kukuning lahat ang taba nito, tulad ng taba ng handog pangkapayapaan at dadalhin sa altar. Ito'y susunugin ng pari bilang handog upang ang usok nito'y maging mabangong samyo kay Yahweh. Sa ganitong paraan, matutubos ang kasalanan ng taong iyon.
Levitico 4:22-31 ASD (Ang Salita ng Diyos)
“ ‘Kapag ang isang pinuno ay nakalabag ng utos ng PANGINOON na kanyang Diyos nang di-sinasadya, nagkasala pa rin siya. At kapag nalaman niya na siya pala ay nagkasala, maghahandog siya ng isang lalaking kambing na walang kapintasan. Ito ay handog para sa kasalanan. Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng kambing at papatayin ito sa presensya ng PANGINOON sa dakong patayan ng mga hayop na inihahandog bilang handog na sinusunog. Pagkatapos ay ilulubog ng pari ang kanyang daliri sa dugo ng kambing na handog para sa kasalanan at ipapahid sa parang sungay sa mga sulok ng altar kung saan sinusunog ang handog na sinusunog. At ang natitirang dugo ay ibubuhos niya sa ilalim ng altar. Susunugin niya ang lahat ng taba sa altar katulad ng kanyang ginawa sa mga taba ng hayop na handog pangkapayapaan. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, matutubos ang tao sa kanyang mga kasalanan at siyaʼy patatawarin. “ ‘Kung ang isang pangkaraniwang tao ay makalabag sa alinmang utos ng PANGINOON nang di-sinasadya, nagkasala pa rin siya. At kapag nalaman niyang siyaʼy nagkasala, maghahandog siya ng babaeng kambing na walang kapintasan para sa nagawa niyang kasalanan. Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng kambing na handog para sa kasalanan, at papatayin niya ito sa may Tolda, sa dakong patayan ng mga hayop na handog na sinusunog. Ilulubog ng pari ang kanyang daliri sa dugo ng kambing at ipapahid sa parang sungay sa mga sulok ng altar kung saan sinusunog ang handog na sinusunog. At ang natitirang dugo ay ibubuhos niya sa ilalim ng altar. Pagkatapos, kukunin niya ang lahat ng taba ng kambing katulad ng ginawa niya sa hayop na handog pangkapayapaan. At susunugin niya sa altar ang taba bilang handog na nakalulugod ang samyo sa PANGINOON. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, lilinisin ang tao sa kanyang mga kasalanan at siyaʼy patatawarin.
Levitico 4:22-31 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Kung isang pinuno ang nagkasala nang di sinasadya dahil nakagawa siya ng isang bagay na ipinagbabawal ni Yahweh na kanyang Diyos, sa oras na malaman niya ito ay maghahandog siya ng isang lalaking kambing na walang kapintasan. Ipapatong niya sa ulo ng kambing ang kanyang kamay at papatayin niya ito sa harapan ni Yahweh, sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin para sa kasalanan. Kukuha ng dugo ang pari at sa pamamagitan ng kanyang daliri, papahiran niya ang mga sungay ng altar ng sunugan ng mga handog. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar. Dadalhin niya sa altar ang lahat ng taba at susunugin gaya ng taba na handog pangkapayapaan. Ito ang gagawin ng pari para matubos ang kasalanan ng pinuno at siya'y patatawarin. “Kung ang nagkasala nang di sinasadya ay isang karaniwang tao dahil lumabag siya sa utos ko at malaman niya ito pagkatapos, maghahandog siya ng isang babaing kambing na walang kapintasan. Ipapatong niya sa ulo ng kambing ang kanyang kamay at papatayin niya ito doon sa lugar na patayan ng mga handog na sinusunog. Kukuha ng dugo ang pari at sa pamamagitan ng kanyang daliri'y papahiran niya ang mga sungay ng altar. Ibubuhos niya sa paanan nito ang natirang dugo. Kukuning lahat ang taba nito, tulad ng taba ng handog pangkapayapaan at dadalhin sa altar. Ito'y susunugin ng pari bilang handog upang ang usok nito'y maging mabangong samyo kay Yahweh. Sa ganitong paraan, matutubos ang kasalanan ng taong iyon.
Levitico 4:22-31 TLAB (Ang Biblia)
Pagka ang isang pinuno ay nagkasala, at nakagawa ng hindi sinasadya sa alinman sa lahat ng bagay na iniutos ng Panginoon niyang Dios na huwag gawin, at siya'y naging salarin; Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang ipinagkasala, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang lalaking kambing na walang kapintasan; At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing, at papatayin niya sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin sa harap ng Panginoon: handog nga dahil sa kasalanan. At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang dugo'y ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog. At ang lahat ng taba niyaon ay susunugin niya sa dambana, na gaya ng taba ng hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan, at siya'y patatawarin. At kung ang sinomang karaniwang tao sa bayan ay magkasala ng hindi sinasadya, sa paggawa sa alinman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at maging makasalanan; Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang pinagkasalahan, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang babaing kambing na walang kapintasan, na dahil sa kaniyang kasalanang pinagkasalahan niya. At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan, at papatayin ang handog dahil sa kasalanan sa lagayan ng pagsusunugan ng handog. At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng dugo niyaon ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana. At ang lahat ng taba niyaon ay kaniyang aalisin, na gaya ng pagaalis ng taba sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan; at susunugin ng saserdote sa dambana na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y patatawarin.
Levitico 4:22-31 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))