Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Levitico 4:1-12 - Compare All Versions

Levitico 4:1-12 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa bayang Israel kung ano ang dapat nilang gawin kapag sila'y nagkasala o hindi sinasadyang nakalabag sa alinmang utos ni Yahweh. “Kung ang nagkasala'y ang pinakapunong pari, at nadamay pati ang sambayanan, mag-aalay siya ng isang batang toro na walang kapintasan bilang handog para sa kapatawaran ng kanyang kasalanan. Dadalhin niya ito sa harapan ni Yahweh sa may pintuan ng Toldang Tipanan, ipapatong niya sa ulo nito ang kanyang kamay at papatayin ito. Kukuha ng kaunting dugo ang pinakapunong pari at dadalhin sa Toldang Tipanan. Itutubog niya sa dugo ang kanyang daliri at sa harapan ko ay wiwisikan niya ng pitong beses ang tabing ng santuwaryo. Lalagyan din niya ng dugo ang mga sungay ng altar ng insensong nasa harapan ni Yahweh sa Dakong Banal. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar na sunugan ng mga handog sa harap ng Toldang Tipanan. Ang lahat ng taba nito ay kukunin, pati ang tabang bumabalot sa laman-loob. Kukunin din ang dalawang bato, ang taba ng balakang at ang tabang bumabalot sa atay. Ibubukod ito gaya ng ginagawa sa taba ng torong handog pangkapayapaan, saka dadalhin sa altar at susunugin ng pari. Ngunit ang balat ng toro at lahat ng laman nito, ulo't mga hita, at mga laman-loob, kasama ang dumi ay dadalhin lahat sa labas ng kampo at susunugin sa isang malinis na lugar na pinagtatapunan ng abo.

Levitico 4:1-12 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Sabihin mo ang mga tuntuning ito sa mga Israelita. Ganito ang gagawin ninyo sa taong nagkasala nang di-sinasadya, kung saan ay nakalabag siya ng alin man sa mga utos ng PANGINOON: “ ‘Kung ang punong pari ang nagkasala nang di-sinasadya at dahil dito ay nadamay ang mga tao, maghahandog siya sa PANGINOON ng isang batang toro na walang kapintasan bilang handog para sa kasalanan. Dadalhin niya ang toro sa presensya ng PANGINOON doon sa pintuan ng Toldang Tipanan. At ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng toro at saka niya ito papatayin. Kukuha ng dugo ng toro ang punong pari at dadalhin niya sa loob ng Tolda. Ilulubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ng pitong beses sa harap ng kurtina na tumatabing sa Pinakabanal na Lugar, sa presensya ng PANGINOON. Pagkatapos, papahiran niya ng dugo ang parang sungay sa mga sulok ng altar kung saan sinusunog ang insenso sa loob ng Tolda sa harapan ng PANGINOON. At ang natitirang dugo ng toro ay ibubuhos niya sa ilalim ng altar na kung saan sinusunog ang ng handog na sinusunog. Ang altar na itoʼy malapit sa pintuan ng Tolda. Pagkatapos, kukunin niya ang lahat ng taba sa lamang-loob ng toro, ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay. Ganito rin ang gagawin sa hayop na handog pangkapayapaan. Pagkatapos, ang mga itoʼy susunugin ng pari sa altar kung saan sinusunog ang handog na sinusunog. Ngunit ang natitirang bahagi ng hayop, katulad ng balat, laman, ulo, mga paa at nasa loob ng tiyan, pati na ang lamang-loob, ay dadalhin sa labas ng kampo at susunugin sa lumalagablab na siga ng mga kahoy, doon sa itinuturing na malinis na lugar na pinagtatapunan ng abo.

Levitico 4:1-12 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa bayang Israel kung ano ang dapat nilang gawin kapag sila'y nagkasala o hindi sinasadyang nakalabag sa alinmang utos ni Yahweh. “Kung ang nagkasala'y ang pinakapunong pari, at nadamay pati ang sambayanan, mag-aalay siya ng isang batang toro na walang kapintasan bilang handog para sa kapatawaran ng kanyang kasalanan. Dadalhin niya ito sa harapan ni Yahweh sa may pintuan ng Toldang Tipanan, ipapatong niya sa ulo nito ang kanyang kamay at papatayin ito. Kukuha ng kaunting dugo ang pinakapunong pari at dadalhin sa Toldang Tipanan. Itutubog niya sa dugo ang kanyang daliri at sa harapan ko ay wiwisikan niya ng pitong beses ang tabing ng santuwaryo. Lalagyan din niya ng dugo ang mga sungay ng altar ng insensong nasa harapan ni Yahweh sa Dakong Banal. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar na sunugan ng mga handog sa harap ng Toldang Tipanan. Ang lahat ng taba nito ay kukunin, pati ang tabang bumabalot sa laman-loob. Kukunin din ang dalawang bato, ang taba ng balakang at ang tabang bumabalot sa atay. Ibubukod ito gaya ng ginagawa sa taba ng torong handog pangkapayapaan, saka dadalhin sa altar at susunugin ng pari. Ngunit ang balat ng toro at lahat ng laman nito, ulo't mga hita, at mga laman-loob, kasama ang dumi ay dadalhin lahat sa labas ng kampo at susunugin sa isang malinis na lugar na pinagtatapunan ng abo.

Levitico 4:1-12 TLAB (Ang Biblia)

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang sinoman ay magkakasala ng hindi sinasadya sa alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at gagawin ng sinoman sa kanila; Kung ang pinahirang saserdote ang magkasala ng gayon na magdala ng sala sa bayan, ay maghahandog nga siya sa Panginoon dahil sa kaniyang kasalanan na ipinagkasala, ng isang guyang toro, na walang kapintasan, na pinakahandog dahil sa kasalanan. At dadalhin niya ang toro sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng Panginoon: at ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng toro, at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon. At ang pinahiran ng langis na saserdote ay kukuha ng dugo ng toro, at dadalhin sa tabernakulo ng kapisanan: At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo, at magwiwisik na makapito ng dugo sa harap ng Panginoon, sa tapat ng tabing ng santuario. At ang saserdote ay maglalagay ng dugong yaon sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana ng mabangong kamangyan sa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan: at lahat ng dugo ng toro ay ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. At aalisin ang lahat ng taba ng toro na handog dahil sa kasalanan; ang tabang nakakatakip sa lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin na kalakip ng mga bato, Na gaya ng pagaalis ng sa toro na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: at susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambanang pagsusunugan ng handog. At ang balat ng toro at ang buong laman pati ng ulo at ng mga hita, at ng lamang loob, at ng dumi, Sa makatuwid baga'y ang buong toro ay ilalabas niya sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis, na pinagtatapunan ng mga abo, at doon susunugin sa apoy sa ibabaw ng kahoy: sa pinagtatapunan ng mga abo susunugin yaon.

Levitico 4:1-12 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))