Job 41:12-34
Job 41:12-34 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ang kanyang mga binti ay malaki at matatag, at walang kaparis ang taglay nitong lakas. Sino ang makakapag-alis sa panlabas niyang kasuotan? May sandata na bang nakatusok sa balat niyang makapal? Sa bibig niya'y sino kaya ang maaaring magbuka? Nakakatakot na mga ngipin nakahanay sa bunganga niya. Maraming kalasag, nakahanay sa kanyang likod; sintigas ng bato at nakalagay nang maayos. Masinsin ang pagkaayos, ito'y dikit-dikit, walang pagitan, ni hangin ay di makasingit. Kung siya ay bumahin, ang ilong ay nag-aapoy, mata niya'y mapula parang araw sa dapit-hapon. Mula sa bibig niya'y may apoy na lumalabas, mga baga ng apoy ang doo'y sumisiklab. Sa ilong niya'y nanggagaling ang makapal na usok, parang usok na nagmumula sa kumukulong palayok at damong sinusunog. Hininga niya'y nagbabaga, sa init ay nag-aalab; naglalagablab na apoy sa bibig niya'y nagbubuhat. Ang kanyang leeg nama'y puno ng kalakasan, sinumang makakita sa kanya'y kinikilabutan. Walang mahinang bahagi sa kanyang balat, tulad ng bakal, matigas at makunat. Ang tigas ng kanyang puso, bato ang katulad, gaya ng batong gilingan sa tibay at tatag. Kapag siya ay tumayo masisindak rin ang pinakamalakas, wala silang magawâ, at sa takot ay tumatakas. Pagkat siya'y di tatablan kahit na ng tabak, maging ng palaso, ng punyal o ng sibat. Sa kanya ang bakal ay parang dayaming marupok, ang katulad nitong tanso ay kahoy na nabubulok. Sa palaso'y hindi siya maaaring mapatakbo, sa kanya'y parang dayami ang tirador at ang bato. Kahoy na panghampas sa kanya'y para lamang patpat, tumatawa lamang siya kapag siya'y sinisibat. Kaliskis ng kanyang tiyan ay napakatalas, at sa putik na daanan, nag-iiwan ng mga bakas. Kaya niyang pakuluin ang malalim na tubig, hinahalo niya ang dagat na parang palayok ng langis. Ang kanyang madaana'y kumikislap sa liwanag, ang akala mo sa tubig, puting buhok ang katulad. Dito sa daigdig ay wala siyang katulad, pagkat siya'y walang takot, hindi nasisindak. Sa lahat ng mga hayop ay mababa ang tingin niya, at sa kanilang lahat ang naghahari ay siya.”
Job 41:12-34 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Sasabihin ko pa sa iyo ang tungkol sa katawan ng Leviatan at kung gaano siya kalakas at kamakapangyarihan. Sinong makakatuklap ng kanyang balat o makakatusok nito? Sino ang makakapagpabuka ng kanyang bunganga? Ang mga ngipin niyaʼy nakakatakot. Ang likod niyaʼy may makakapal na kaliskis na parang kalasag na nakasalansan. Masinsin ang pagkakadikit-dikit ng mga ito na kahit hangin ay hindi makakalusot. Mahigpit ang pagkakadugtong nila sa isaʼt isa, Magkakadikit ang mga ito at hindi matutuklap. Kapag bumabahing siya, may lumalabas na parang kidlat at ang kanyang mga mata ay mapula na parang bukang-liwayway. Apoy ang dumadaloy mula sa kanyang bibig at sumisiklab ang apoy na lumalabas at umuusok ang ilong na parang nagmumula sa kumukulong palayok na may nagliliyab na panggatong. Ang hininga niyaʼy makapagpapabaga ng uling dahil sa apoy na lumalabas sa kanyang bibig. Nasa leeg ang kanyang lakas, at ang makakita sa kanya ay kinikilabutan. Kahit ang kanyang mga laman ay siksik at matitigas. Ang puso niyaʼy kasintigas ng bato, marahas at walang takot. Kapag siyaʼy tumayo, takot na takot pati ang mga makapangyarihang tao; binabalot sila ng kilabot. Walang espada, sibat, pana, o palasong makakapanakit sa kanya. Ang turing niya sa bakal ay dayami, at sa tanso ay bulok na kahoy. Hindi niya iniilagan ang mga pana. Ang mga batong tumatama sa kanyaʼy nagiging parang mga ipa lang. Ang mga kahoy na ipinapalo ay parang mga dayami lang sa kanya. At pinagtatawanan lang niya ang mga humahagibis na sibat na inihahagis sa kanya. Ang kanyang tiyan ay may matatalim na kaliskis, na parang mga basag na bote. Kaya kapag gumagapang siya sa putik, nag-iiwan siya ng mga bakas sa giikan. Kinakalawkaw niya ang dagat hanggang bumula na parang kumukulong tubig sa palayok o kumukulong langis sa kaldero. Ang tubig na kanyang dinadaanan ay bumubula, parang puting buhok kung tingnan. Wala siyang katulad dito sa mundo. Isa siyang nilalang na walang kinatatakutan. Minamaliit niya ang lahat ng mayayabang na hayop. Siya ang hari ng lahat ng mababangis na hayop sa gubat.”
Job 41:12-34 Ang Biblia (TLAB)
Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan, ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan, ni sa kaniya mang mainam na hugis. Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit? Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil? Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha? Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan. Ang kaniyang mga matibay na palikpik ay kaniyang kapalaluan, nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit. Nagkakadikit sa isa't isa, na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon. Sila'y nagkakasugpongan sa isa't isa; Nagkakalakip na magkasama, na hindi maihihiwalay. Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy, at ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga. Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo, at mga alipatong apoy ay nagsisilabas. Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok, na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib. Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga, at isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig. Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan, at ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya. Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan; nangagtutumibay sa kaniya; hindi magagalaw. Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato; Oo, matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan. Pagka siya'y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan: dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila. Kung siya'y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab; ni ng sibat man, ng pana, ni ng matalas na tulis man. Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami, at ang tanso na parang lapok na kahoy. Hindi niya mapatakas ng palaso: ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya'y parang pinagputulan ng trigo. Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo: kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat. Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga: lumalaganap na tila saksak sa banlik. Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok: kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid. Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya; aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman. Sa ibabaw ng lupa ay walang gaya niya, na likhang walang takot. Kaniyang minamasdan ang bawa't mataas na bagay: siya'y hari sa lahat ng mga anak na palalo.
Job 41:12-34 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ang kanyang mga binti ay malaki at matatag, at walang kaparis ang taglay nitong lakas. Sino ang makakapag-alis sa panlabas niyang kasuotan? May sandata na bang nakatusok sa balat niyang makapal? Sa bibig niya'y sino kaya ang maaaring magbuka? Nakakatakot na mga ngipin nakahanay sa bunganga niya. Maraming kalasag, nakahanay sa kanyang likod; sintigas ng bato at nakalagay nang maayos. Masinsin ang pagkaayos, ito'y dikit-dikit, walang pagitan, ni hangin ay di makasingit. Kung siya ay bumahin, ang ilong ay nag-aapoy, mata niya'y mapula parang araw sa dapit-hapon. Mula sa bibig niya'y may apoy na lumalabas, mga baga ng apoy ang doo'y sumisiklab. Sa ilong niya'y nanggagaling ang makapal na usok, parang usok na nagmumula sa kumukulong palayok at damong sinusunog. Hininga niya'y nagbabaga, sa init ay nag-aalab; naglalagablab na apoy sa bibig niya'y nagbubuhat. Ang kanyang leeg nama'y puno ng kalakasan, sinumang makakita sa kanya'y kinikilabutan. Walang mahinang bahagi sa kanyang balat, tulad ng bakal, matigas at makunat. Ang tigas ng kanyang puso, bato ang katulad, gaya ng batong gilingan sa tibay at tatag. Kapag siya ay tumayo masisindak rin ang pinakamalakas, wala silang magawâ, at sa takot ay tumatakas. Pagkat siya'y di tatablan kahit na ng tabak, maging ng palaso, ng punyal o ng sibat. Sa kanya ang bakal ay parang dayaming marupok, ang katulad nitong tanso ay kahoy na nabubulok. Sa palaso'y hindi siya maaaring mapatakbo, sa kanya'y parang dayami ang tirador at ang bato. Kahoy na panghampas sa kanya'y para lamang patpat, tumatawa lamang siya kapag siya'y sinisibat. Kaliskis ng kanyang tiyan ay napakatalas, at sa putik na daanan, nag-iiwan ng mga bakas. Kaya niyang pakuluin ang malalim na tubig, hinahalo niya ang dagat na parang palayok ng langis. Ang kanyang madaana'y kumikislap sa liwanag, ang akala mo sa tubig, puting buhok ang katulad. Dito sa daigdig ay wala siyang katulad, pagkat siya'y walang takot, hindi nasisindak. Sa lahat ng mga hayop ay mababa ang tingin niya, at sa kanilang lahat ang naghahari ay siya.”
Job 41:12-34 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan, Ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan, ni sa kaniya mang mainam na hugis. Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit? Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil? Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha? Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan. Ang kaniyang mga matibay na palikpik ay kaniyang kapalaluan, Nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit. Nagkakadikit sa isa't isa, Na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon. Sila'y nagkakasugpongan sa isa't isa; Nagkakalakip na magkasama, na hindi maihihiwalay. Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy, At ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga. Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo, At mga alipatong apoy ay nagsisilabas. Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok, Na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib. Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga, At isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig. Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan, At ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya. Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan; Nangagtutumibay sa kaniya; hindi magagalaw. Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato; Oo, matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan. Pagka siya'y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan: Dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila. Kung siya'y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab; Ni ng sibat man, ng pana, ni ng matalas na tulis man. Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami, At ang tanso na parang lapok na kahoy. Hindi niya mapatakas ng palaso: Ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya'y parang pinagputulan ng trigo. Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo: Kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat. Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga: Lumalaganap na tila saksak sa banlik. Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok: Kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid. Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya; Aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman. Sa ibabaw ng lupa ay walang gaya niya, Na likhang walang takot. Kaniyang minamasdan ang bawa't mataas na bagay: Siya'y hari sa lahat ng mga anak na palalo.