Job 15:1-16
Job 15:1-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang sagot ni Elifaz na taga-Teman, “Mga salita mo'y pawang kahangalan, ang sinasabi mo ay parang hangin lang. Ang sinasabi mo'y salita ng isang hangal, di ka maililigtas ng salitang walang saysay. Kung ikaw ang masusunod, wala nang matatakot sa Diyos, at nais mong hadlangan ang sa kanya'y dumudulog. Kasamaan mo'y nahahalata sa iyong mga salita, nais mo pang magtago sa mga salitang may daya. Kaya nga ang humahatol sa iyo ay hindi ako, salita mong binibigkas ang humatol sa iyo. “Akala mo ba'y ikaw ang unang taong isinilang? Nauna ka pa ba sa mga kabundukan? Naroon ka ba nang sabihin ng Diyos ang kanyang plano, o sa palagay mo'y ikaw lang ang may talino? Ano ba ang alam mo na di namin nalalaman? Lahat ng naiintindihan mo'y amin ding nauunawaan. Ang mga may uban sa buhok ay aming kasama, mga taong matatanda pa sa iyong ama. “Inaaliw ka ng Diyos ngunit ayaw mong pansinin, ang banayad naming payo na sa puso nanggagaling. Bakit nagmamatigas pa, ipinipilit ang sarili? Mga mata'y nanlilisik, kapag tinitingnan kami. Bakit ba ang galit mo'y sa Diyos ibinubunton at sa kanya iniuukol ang salitang walang hinahon? “Sino ba ang walang sala, at malinis na lubos? Sinong isinilang na matuwid sa harap ng Diyos? Kung doon sa mga anghel, tiwala ng Diyos ay di lubusan, kahit silang nasa langit ay mayroon ding pagkukulang. Gaano pa kaya ang taong nasanay sa kasamaan, laging uhaw sa masama at hindi tama.
Job 15:1-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sumagot si Elifaz na taga-Teman, “Job, ang taong marunong ay hindi nagsasalita ng walang kabuluhan. Hindi siya nakikipagtalo sa mga salitang walang saysay. Ngunit ang mga sinasabi moʼy magtutulak sa tao upang mawalan ng paggalang sa Diyos at magiging hadlang sa paglilingkod sa kanya. Ang sinasabi mo ay bunga ng iyong kasamaan. At dinadaya mo ang iba sa pamamagitan ng iyong mga sinasabi. Hindi na kailangang hatulan pa kita, dahil ang iyong mga sinasabi mismo ang nagpapatunay laban sa iyo. “Akala mo baʼy ikaw ang unang isinilang? Ipinanganak ka na ba bago nilikha ang mga bundok? Narinig mo na ba ang mga plano ng Diyos? Ikaw lang ba ang marunong? Ano baʼng alam mo na hindi namin alam? At ano ang naunawaan mo na hindi namin naunawaan? Natuto kami sa matatanda na mas matanda pa kaysa sa iyong ama. Sinabi namin sa iyo ang mga salitang mula sa Diyos na makapagbibigay ng lakas at aliw sa iyo. Hindi pa ba sapat iyon? Bakit nagpapadala ka sa iyong damdamin? At bakit ang mga mata moʼy nanlilisik sa galit, kaya sa iyong pananalitaʼy kinakalaban mo ang Diyos at nagsasalita ka nang masama? “Kaya ba ng isang tao na mamuhay nang malinis at matuwid sa paningin ng Diyos? Ni hindi nga lubusang nagtitiwala ang Diyos sa mga anghel niya. Kung ang mga nilalang niyang ito na nasa langit ay hindi lubusang malinis sa kanyang paningin, ang tao pa kaya na ipinanganak na masama at makasalanan, at uhaw sa paggawa ng masama?
Job 15:1-16 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman, at pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan? Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap, o ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti? Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan, at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios. Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig, at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha. Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo. Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol? Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios? At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili? Anong nalalaman mo na di namin nalalaman? Anong nauunawa mo na wala sa amin? Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, matandang makapupo kay sa iyong ama. Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo, sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo? Bakit ka napadadala sa iyong puso? At bakit kumikindat ang iyong mga mata? Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios, at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig. Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid? Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin. Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!
Job 15:1-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang sagot ni Elifaz na taga-Teman, “Mga salita mo'y pawang kahangalan, ang sinasabi mo ay parang hangin lang. Ang sinasabi mo'y salita ng isang hangal, di ka maililigtas ng salitang walang saysay. Kung ikaw ang masusunod, wala nang matatakot sa Diyos, at nais mong hadlangan ang sa kanya'y dumudulog. Kasamaan mo'y nahahalata sa iyong mga salita, nais mo pang magtago sa mga salitang may daya. Kaya nga ang humahatol sa iyo ay hindi ako, salita mong binibigkas ang humatol sa iyo. “Akala mo ba'y ikaw ang unang taong isinilang? Nauna ka pa ba sa mga kabundukan? Naroon ka ba nang sabihin ng Diyos ang kanyang plano, o sa palagay mo'y ikaw lang ang may talino? Ano ba ang alam mo na di namin nalalaman? Lahat ng naiintindihan mo'y amin ding nauunawaan. Ang mga may uban sa buhok ay aming kasama, mga taong matatanda pa sa iyong ama. “Inaaliw ka ng Diyos ngunit ayaw mong pansinin, ang banayad naming payo na sa puso nanggagaling. Bakit nagmamatigas pa, ipinipilit ang sarili? Mga mata'y nanlilisik, kapag tinitingnan kami. Bakit ba ang galit mo'y sa Diyos ibinubunton at sa kanya iniuukol ang salitang walang hinahon? “Sino ba ang walang sala, at malinis na lubos? Sinong isinilang na matuwid sa harap ng Diyos? Kung doon sa mga anghel, tiwala ng Diyos ay di lubusan, kahit silang nasa langit ay mayroon ding pagkukulang. Gaano pa kaya ang taong nasanay sa kasamaan, laging uhaw sa masama at hindi tama.
Job 15:1-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman, At pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan, Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap, O ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti? Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan, At iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios. Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig, At iyong pinipili ang dila ng mapagkatha. Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo. Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol? Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios? At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili? Anong nalalaman mo na di namin nalalaman? Anong nauunawa mo na wala sa amin? Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, Matandang makapupo kay sa iyong ama. Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo, Sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo? Bakit ka napadadala sa iyong puso? At bakit kumikindat ang iyong mga mata? Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios, At binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig. Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid? Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin. Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, Ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!