Santiago 4:6-10
Santiago 4:6-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinigay niya sa atin. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit nalulugod sa mga mapagpakumbabá.” Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan kayo nito. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip. Maghinagpis kayo, umiyak at tumangis! Palitan ninyo ng pagluha ang inyong tawanan, at ng kalungkutan ang inyong kagalakan! Magpakumbabá kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.
Santiago 4:6-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit sapat ang biyayang ibinigay ng Diyos. Kaya nga sinasabi ng Kasulatan: “Kinakalaban ng Diyos ang mga mapagmataas, ngunit kinakahabagan ang mapagpakumbaba.” Kaya magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso. Magluksa kayo, tumangis, at umiyak. Gawing pagluha ang inyong halakhakan at kalungkutan ang inyong kasiyahan. Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.
Santiago 4:6-10 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo. Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang akala. Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan. Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.
Santiago 4:6-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinigay niya sa atin. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit nalulugod sa mga mapagpakumbabá.” Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan kayo nito. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip. Maghinagpis kayo, umiyak at tumangis! Palitan ninyo ng pagluha ang inyong tawanan, at ng kalungkutan ang inyong kagalakan! Magpakumbabá kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.
Santiago 4:6-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)