Santiago 4:4-5
Santiago 4:4-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos. Huwag ninyong akalaing walang kabuluhan ang sinasabi sa kasulatan, “Ayaw ng espiritung ibinigay sa atin ng Diyos na siya'y may kaagaw sa ating pag-ibig.”
Santiago 4:4-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kayong mga hindi tapat sa Diyos, hindi ba ninyo alam na kaaway ng Diyos ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Diyos ang sarili niya. Huwag ninyong isipin na walang kabuluhan ang sinasabi ng Kasulatan, “Ayaw ng Espiritung pinatira sa atin na may kaagaw sa pag-ibig niya.”
Santiago 4:4-5 Ang Biblia (TLAB)
Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios. O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian?
Santiago 4:4-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos. Huwag ninyong akalaing walang kabuluhan ang sinasabi sa kasulatan, “Ayaw ng espiritung ibinigay sa atin ng Diyos na siya'y may kaagaw sa ating pag-ibig.”
Santiago 4:4-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)