Isaias 57:15-16
Isaias 57:15-16 ASD
Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Diyos, ang Banal na Diyos na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, at kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, at silaʼy aking palalakasin at bubuhayin ang kanilang kalooban. Ang totoo, hindi ko kayo kakalabanin o uusigin habang panahon, dahil kung gagawin ko ito mamamatay ang mga taong nilikha ko.




