Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hosea 8:1-14

Hosea 8:1-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Sinabi ni Yahweh, “Hipan mo ang trumpeta! Dumarating ang isang agila sa bayan ng Diyos, sapagkat sumira sa tipan ang aking bayan, at nilabag nila ang aking kautusan. Tumangis ngayon ang Israel sa akin, ‘Tulungan mo kami, sapagkat ikaw ang aming Diyos.’ Ngunit tinalikuran na ng Israel ang kabutihan; kaya't hahabulin sila ng kanilang kaaway. “Pumili sila ng mga hari nang wala akong pahintulot; naglagay sila ng mga pinuno, ngunit hindi naman ayon sa aking kagustuhan. Ginawa nilang diyus-diyosan ang kanilang pilak at ginto na nagdala sa kanila sa kapahamakan. Kinasusuklaman ko ang guyang sinasamba ng mga taga-Samaria. Napopoot ako sa kanila. Hanggang kailan pa sila mananatili sa karumihan? Ang diyus-diyosang iyan ay mula sa Israel! Ang guyang iyan ay ginawa ng tao, at iya'y hindi Diyos. Ang guya ng Samaria ay magkakadurug-durog. “Naghahasik sila ng hangin, at ipu-ipo ang kanilang aanihin. Ang mga nakatayong trigo'y walang uhay, kaya't walang makukuhang harina. At kung magbunga man iyon, kakainin lamang ng mga dayuhan. Nilalamon na ang Israel; naroon na sila sa gitna ng mga bansa bilang kasangkapang walang kabuluhan. Sapagkat naparoon sila sa Asiria, gaya ng asnong naggagalang mag-isa. Ang Efraim nama'y umupa ng mga mangingibig. Bagama't humingi sila ng tulong sa ibang mga bansa, ngayo'y titipunin ko silang lahat. Hindi magtatagal at sila'y daraing dahil sa pahirap ng hari at ng mga pinuno. “Ang mga altar na ginawa sa Efraim, ang siya ring nagparami ng inyong mga sala. Sumulat man ako ng sampung libong kautusan, ito'y pagtatawanan lang nila at tatanggihan. Nag-aalay sila ng handog sa akin; at ang karneng handog, kanila mang kainin, hindi pa rin ito kalugud-lugod sa akin. Gugunitain niya ngayon ang kanilang kalikuan, at paparusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan; sila'y magbabalik sa lupain ng Egipto. Kinalimutan ng Israel ang lumikha sa kanya, at nagtayo siya ng mga palasyo. Ang Juda nama'y nagparami ng mga lunsod na may pader, subalit lalamunin ng apoy ang kanilang mga lunsod at mga palasyo.”

Hosea 8:1-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)

“Hipan ninyo ang trumpeta upang bigyang babala ang aking mga mamamayan, ang Israel na itinuturing na tahanan ng PANGINOON, na lulusubin sila ng kalabang kasimbilis ng agila. Sapagkat sinira nila ang kasunduan ko sa kanila at nilabag nila ang aking Kautusan. Sumasamo sila sa akin, ‘Diyos ng Israel, kinikilala ka namin.’ Ngunit itinakwil nila ang mabuti, kaya hahabulin sila ng kanilang kalaban. Pumili sila ng mga hari at mga opisyal na hindi ko pinili. Gumawa sila ng mga diyos-diyosan mula sa kanilang mga pilak at ginto, at ang mga ito ang nagdala sa kanila sa kapahamakan. Itinatakwil ko ang diyos-diyosang baka ng mga taga-Samaria. Galit na galit ako sa kanila. Hanggang kailan sila mananatiling marumi? Ang diyos-diyosang baka ng Samaria ay ginawa lamang ng mga platero na taga-Israel. Hindi iyon Diyos! Tiyak na dudurugin iyon. “Para silang naghahasik ng hangin at nag-aani ng buhawi. Para ding trigo na walang uhay, kaya walang makukuhang pagkain. At kung mamumunga man, taga-ibang bansa naman ang lalamon nito. Ang Israel ay nilamon ng ibang bansa. At ngayong nakikisalamuha siya sa kanila, para na siyang kasangkapang walang silbi. Para siyang asnong-gubat na nag-iisa at naliligaw. Humingi siya ng tulong sa Asiria; binayaran niya ang kanyang mga kakamping bansa para ipagtanggol siya. Ngunit kahit nagpasakop siya sa mga bansang iyon, titipunin ko ngayon ang kanyang mga mamamayan at parurusahan. At magsisimula na ang kanilang paghihirap sa pang-aapi ng isang hari at ng mga opisyal niya. “Nagpagawa nga sila ng maraming altar para sa mga handog sa paglilinis, subalit doon din sila gumawa ng kasalanan. Kahit sa kanilaʼy ipinagkaloob ko ang lahat kong kautusan, ngunit sa kanilang paningin, wariʼy hindi para sa kanila ang mga ito. Naghahandog sila sa akin at kinakain nila ang karneng handog, ngunit hindi nalulugod ang PANGINOON sa kanila. At ngayon aalalahanin ko ang kanilang kasamaan at parurusahan ko sila dahil sa kanilang mga kasalanan. Babalik sila sa Ehipto. Kinalimutan ng mga taga-Israel ang lumikha sa kanila. Sila at ang mga taga-Juda ay nagtayo ng mga palasyo at maraming napapaderang bayan. Ngunit susunugin ko ang kanilang mga lungsod at ang matitibay na bahagi nito.”

Hosea 8:1-14 Ang Biblia (TLAB)

Ilagay mo ang pakakak sa iyong bibig. Gaya ng isang aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon, sapagka't kanilang sinuway ang aking tipan, at nagsisalangsang laban sa aking kautusan. Sila'y magsisidaing sa akin, Dios ko, kaming Israel ay nangakakakilala sa iyo. Itinakuwil ng Israel ang mabuti: hahabulin siya ng kaaway. Sila'y nangaglagay ng mga hari, nguni't hindi sa pamamagitan ko; sila'y nangaglagay ng mga prinsipe, at hindi ko nalaman: sa kanilang pilak at kanilang ginto ay nagsigawa sila ng diosdiosan, upang sila'y mangahiwalay. Kaniyang inihiwalay ang iyong guya, Oh Samaria; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila: hanggang kailan sila ay magiging mga musmos. Sapagka't mula sa Israel nanggaling ito; ito'y ginawa ng manggagawa, at ito'y hindi Dios; oo, ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol. Sapagka't sila'y nangagsasabog ng hangin, at sila'y magsisiani ng ipoipo: siya'y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga taga ibang lupa. Ang Israel ay nalamon: ngayo'y nasa gitna siya ng mga bansa na parang sisidlang hindi kinalulugdan. Sapagka't sila'y nagsiahon sa Asiria, na parang isang mailap na asno na nagiisa: ang Ephraim ay umupa ng mga mangingibig. Oo, bagaman sila'y umuupa sa gitna ng mga bansa, akin nga silang pipisanin ngayon; at sila'y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis sa hari at mga prinsipe. Sapagka't ang Ephraim, ay nagparami ng mga dambana upang magkasala, ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala. Sinulat ko para sa kaniya ang sangpung libong bagay ng aking kautusan; kanilang inaring parang katuwang bagay. Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin, sila'y nangaghahain ng karne, at kinakain nila; nguni't ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan; sila'y mangababalik sa Egipto. Sapagka't nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni't magsusugo ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon.

Hosea 8:1-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Sinabi ni Yahweh, “Hipan mo ang trumpeta! Dumarating ang isang agila sa bayan ng Diyos, sapagkat sumira sa tipan ang aking bayan, at nilabag nila ang aking kautusan. Tumangis ngayon ang Israel sa akin, ‘Tulungan mo kami, sapagkat ikaw ang aming Diyos.’ Ngunit tinalikuran na ng Israel ang kabutihan; kaya't hahabulin sila ng kanilang kaaway. “Pumili sila ng mga hari nang wala akong pahintulot; naglagay sila ng mga pinuno, ngunit hindi naman ayon sa aking kagustuhan. Ginawa nilang diyus-diyosan ang kanilang pilak at ginto na nagdala sa kanila sa kapahamakan. Kinasusuklaman ko ang guyang sinasamba ng mga taga-Samaria. Napopoot ako sa kanila. Hanggang kailan pa sila mananatili sa karumihan? Ang diyus-diyosang iyan ay mula sa Israel! Ang guyang iyan ay ginawa ng tao, at iya'y hindi Diyos. Ang guya ng Samaria ay magkakadurug-durog. “Naghahasik sila ng hangin, at ipu-ipo ang kanilang aanihin. Ang mga nakatayong trigo'y walang uhay, kaya't walang makukuhang harina. At kung magbunga man iyon, kakainin lamang ng mga dayuhan. Nilalamon na ang Israel; naroon na sila sa gitna ng mga bansa bilang kasangkapang walang kabuluhan. Sapagkat naparoon sila sa Asiria, gaya ng asnong naggagalang mag-isa. Ang Efraim nama'y umupa ng mga mangingibig. Bagama't humingi sila ng tulong sa ibang mga bansa, ngayo'y titipunin ko silang lahat. Hindi magtatagal at sila'y daraing dahil sa pahirap ng hari at ng mga pinuno. “Ang mga altar na ginawa sa Efraim, ang siya ring nagparami ng inyong mga sala. Sumulat man ako ng sampung libong kautusan, ito'y pagtatawanan lang nila at tatanggihan. Nag-aalay sila ng handog sa akin; at ang karneng handog, kanila mang kainin, hindi pa rin ito kalugud-lugod sa akin. Gugunitain niya ngayon ang kanilang kalikuan, at paparusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan; sila'y magbabalik sa lupain ng Egipto. Kinalimutan ng Israel ang lumikha sa kanya, at nagtayo siya ng mga palasyo. Ang Juda nama'y nagparami ng mga lunsod na may pader, subalit lalamunin ng apoy ang kanilang mga lunsod at mga palasyo.”

Hosea 8:1-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)