Hosea 11:1-8
Hosea 11:1-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Nang bata pa ang Israel, siya'y aking minahal, at tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto. Ngunit habang siya'y tinatawag ko, lalo naman siyang lumalayo. Lagi na lamang siyang naghahandog sa mga Baal, at nagsusunog ng insenso sa mga diyus-diyosan. Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad, inakay ko siya sa kanyang paghakbang; ngunit hindi niya kinilala ang pag-aalaga ko sa kanya. Pinatnubayan ko siya nang buong pagmamalasakit at nang buong pagmamahal. Ang katulad ko'y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig, at yumuko ako upang sila'y mapakain. “Magbabalik sila sa Egipto, at paghaharian ng Asiria, sapagkat ayaw nilang magbalik sa akin. Lulusubin ng kaaway ang kanilang mga lunsod, wawasakin ang pampinid sa kanilang mga pinto, at lilipulin sila sa loob ng kanilang mga kuta. Ang bayan ko'y nagpasya nang tumalikod sa akin; kaya't sa pamatok sila'y itinakda, at walang sinumang makakapag-alis nito. “Pababayaan ba kita, Efraim? Ikaw ba'y ibibigay ko sa kaaway, Israel? Maitutulad ba kita sa Adma? Magagawa ko ba sa iyo ang aking ginawa sa Zeboim? Hindi ito kayang gawin ng puso ko; kahabagan ko'y nananaig.
Hosea 11:1-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Minahal ko ang Israel noong kabataan niya. Itinuring ko siyang anak at tinawag ko siya mula sa Ehipto. Ngunit ngayon, kahit na patuloy kong tinatawag ang mga mamamayan ng Israel, lalo pa silang lumayo sa akin. Naghahandog sila at nagsusunog ng mga insenso sa diyos-diyosang si Baal. Ako ang nag-alaga sa kanila. Inakay ko sila at tinuruang lumakad, ngunit hindi nila kinilala na ako ang kumalinga sa kanila. Pinatnubayan ko sila nang buong pagmamahal, tulad ng isang taong nag-aangat ng pamatok sa baka upang mapakain ito. “Ngunit dahil ayaw nilang bumalik sa akin, babalik sila sa Ehipto, at paghaharian sila ng Asiria. Lulusubin ng mga kalaban ang kanilang mga lungsod at sisirain ang mga tarangkahan ng pintuan nito. Wawakasan ng mga kaaway ang lahat nilang balak. Nagpasyang lumayo sa akin ang aking mga mamamayan. Kaya kahit na sama-sama pa sila na dumulog sa akin na Kataas-taasang Diyos, hindi ko sila tutulungan. “Mga taga-Israel, hindi ko magagawa na itakwil kayo o pabayaan na lang. Hindi ko magagawang lipulin kayo nang lubusan gaya ng ginawa ko sa mga lungsod ng Adma at Zeboim. Hindi matatanggap ng aking kalooban na gawin ko ito sa inyo. Awang-awa ako sa inyo.
Hosea 11:1-8 Ang Biblia (TLAB)
Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at tinawag kong aking anak mula sa Egipto. Lalo silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan. Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim na lumakad; aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila. Akin silang pinatnubayan ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila. Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin. At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, dahil sa kanilang sariling mga payo. At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya. Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.
Hosea 11:1-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Nang bata pa ang Israel, siya'y aking minahal, at tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto. Ngunit habang siya'y tinatawag ko, lalo naman siyang lumalayo. Lagi na lamang siyang naghahandog sa mga Baal, at nagsusunog ng insenso sa mga diyus-diyosan. Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad, inakay ko siya sa kanyang paghakbang; ngunit hindi niya kinilala ang pag-aalaga ko sa kanya. Pinatnubayan ko siya nang buong pagmamalasakit at nang buong pagmamahal. Ang katulad ko'y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig, at yumuko ako upang sila'y mapakain. “Magbabalik sila sa Egipto, at paghaharian ng Asiria, sapagkat ayaw nilang magbalik sa akin. Lulusubin ng kaaway ang kanilang mga lunsod, wawasakin ang pampinid sa kanilang mga pinto, at lilipulin sila sa loob ng kanilang mga kuta. Ang bayan ko'y nagpasya nang tumalikod sa akin; kaya't sa pamatok sila'y itinakda, at walang sinumang makakapag-alis nito. “Pababayaan ba kita, Efraim? Ikaw ba'y ibibigay ko sa kaaway, Israel? Maitutulad ba kita sa Adma? Magagawa ko ba sa iyo ang aking ginawa sa Zeboim? Hindi ito kayang gawin ng puso ko; kahabagan ko'y nananaig.
Hosea 11:1-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)