Hosea 11:1-3
Hosea 11:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Nang bata pa ang Israel, siya'y aking minahal, at tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto. Ngunit habang siya'y tinatawag ko, lalo naman siyang lumalayo. Lagi na lamang siyang naghahandog sa mga Baal, at nagsusunog ng insenso sa mga diyus-diyosan. Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad, inakay ko siya sa kanyang paghakbang; ngunit hindi niya kinilala ang pag-aalaga ko sa kanya.
Hosea 11:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Minahal ko ang Israel noong kabataan niya. Itinuring ko siyang anak at tinawag ko siya mula sa Ehipto. Ngunit ngayon, kahit na patuloy kong tinatawag ang mga mamamayan ng Israel, lalo pa silang lumayo sa akin. Naghahandog sila at nagsusunog ng mga insenso sa diyos-diyosang si Baal. Ako ang nag-alaga sa kanila. Inakay ko sila at tinuruang lumakad, ngunit hindi nila kinilala na ako ang kumalinga sa kanila.
Hosea 11:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at tinawag kong aking anak mula sa Egipto. Lalo silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan. Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim na lumakad; aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.
Hosea 11:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Nang bata pa ang Israel, siya'y aking minahal, at tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto. Ngunit habang siya'y tinatawag ko, lalo naman siyang lumalayo. Lagi na lamang siyang naghahandog sa mga Baal, at nagsusunog ng insenso sa mga diyus-diyosan. Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad, inakay ko siya sa kanyang paghakbang; ngunit hindi niya kinilala ang pag-aalaga ko sa kanya.
Hosea 11:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)