Genesis 8:17
Genesis 8:17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Palabasin mo na rin ang lahat ng mga hayop na kasama mo—maamo at mailap, gumagapang at lumalakad sa lupa, at pati ang mga ibon. Hayaan mo silang dumami at manirahan sa buong daigdig.”
Genesis 8:17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Palabasin nʼyo rin ang lahat ng hayop para dumami sila at mangalat sa buong mundo.”
Genesis 8:17 Ang Biblia (TLAB)
Ilabas mong kasama mo ang bawa't may buhay na kasama mo sa lahat ng laman, ang mga ibon, at ang mga hayop, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa; upang magsipanganak ng sagana sa lupa, at magpalaanakin, at mangagsidami sa ibabaw ng lupa.
Genesis 8:17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Palabasin mo na rin ang lahat ng mga hayop na kasama mo—maamo at mailap, gumagapang at lumalakad sa lupa, at pati ang mga ibon. Hayaan mo silang dumami at manirahan sa buong daigdig.”
Genesis 8:17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)