Genesis 7:1-16
Genesis 7:1-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Yahweh kay Noe, “Pumasok kayong mag-anak sa barko. Sa lahat ng tao'y ikaw lamang ang nakita kong namumuhay ng matuwid. Magdala ka ng pitong pares sa bawat hayop na malinis, at isang pares naman sa di-malinis. Pitong pares din sa bawat uri ng ibon ang iyong dadalhin. Gawin mo ito upang magpatuloy ang kanilang lahi sa balat ng lupa. Pagkaraan ng isang linggo, pauulanin ko nang apatnapung araw at apatnapung gabi upang lipulin ang lahat ng aking nilikha sa daigdig.” At ginawa nga ni Noe ang bawat iniutos ni Yahweh. Si Noe ay 600 taon nang bumaha sa daigdig. Pumasok nga siya sa malaking barko kasama ang kanyang asawa, mga anak, at mga manugang upang maligtas sa baha. Sa bawat uri ng hayop, malinis o hindi, sa bawat uri ng ibon at maliliit na hayop, ay nagsama siya sa barko ayon sa utos ng Diyos. Pagkaraan ng pitong araw, bumaha nga sa buong daigdig. Si Noe ay 600 taóng gulang na noon. Noong ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan, nabuksan ang lahat ng bukal sa ilalim ng lupa. Nabuksan din ang mga bintana ng langit. Bumuhos ang ulan sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Pumasok noon sa barko si Noe at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang tatlong anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet at ang kani-kanilang asawa. Pinapasok din niya ang bawat uri ng hayop—mailap at maamo, lumalakad at gumagapang sa lupa, at bawat uri ng ibon. Isang lalaki at isang babae ng bawat may buhay ang isinama ni Noe, ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ni Yahweh ang pinto ng barko.
Genesis 7:1-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ng PANGINOON kay Noe, “Pumasok ka sa barko kasama ang iyong buong pamilya. Sapagkat sa lahat ng tao sa henerasyong ito, ikaw lang ang nakita kong matuwid. Magdala ka ng pitong pares sa bawat uri ng malinis na hayop, ngunit isang pares lang sa bawat uri ng maruming hayop. At magdala ka rin ng pitong pares sa bawat uri ng ibon. Gawin mo ito upang mabuhay sila sa daigdig. Sapagkat pitong araw mula ngayon, magpapaulan ako sa buong daigdig nang apatnapung araw at apatnapung gabi, upang lipulin ang lahat ng nilikha ko sa balat ng lupa.” Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng PANGINOON sa kanya. Si Noe ay animnaraang taóng gulang na nang bumaha sa daigdig. Pumasok siya sa barko kasama ang asawa niya, mga anak niyang lalaki at ang mga asawa nila upang hindi sila mamatay sa baha. Mga pares ng malinis at maruming hayop, ng mga ibon at ng lahat ng nilalang na gumagalaw sa lupa ay dumating kay Noe at pumasok sa barko, magkakapares na lalaki at babae, ayon sa iniutos ng Diyos kay Noe. At pagkalipas ng pitong araw, bumaha nga sa daigdig. Nang si Noe ay 600 taóng gulang, sa ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan, umulan nang napakalakas at umapaw ang lahat ng bukal. Si Noe ay animnaraang taóng gulang na noon. Umulan sa mundo sa loob nang apatnapung araw at apatnapung gabi. Noong mismong araw na nagsimulang umulan, pumasok sa barko si Noe, ang asawa niya at ang tatlo nilang anak na sina Shem, Ham at Jafet kasama ang mga asawa nila. Kasama rin nila ang lahat ng uri ng nilalang: mga hayop na maiilap at maaamo, mga gumagapang at lumilipad. Pares-pares na dumating ang lahat ng nilalang na ito kay Noe at pumasok sa barko. Ang mga pares na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng uri ng nilalang ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ng PANGINOON ang pinto ng barko.
Genesis 7:1-16 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi ng Panginoon kay Noe, Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan; sapagka't ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito. Sa bawa't malinis na hayop ay kukuha ka ng tigpipito, ng lalake at ng kaniyang babae; at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa, ng lalake at ng kaniyang babae; Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa. Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa. At ginawa ni Noe ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Panginoon. At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa. At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha. Sa mga hayop na malinis, at sa mga hayop na hindi malinis, at sa mga ibon at sa bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa, Ay dalawa't dalawang dumating kay Noe sa sasakyan, na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe. At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa. Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan. At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi. Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila; Sila, at ang bawa't hayop gubat ayon sa kanikanilang uri, at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri, at bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri, at bawa't ibon ayon sa kanikanilang uri, lahat ng sarisaring ibon. At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa't dalawa, ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay. At ang mga nagsilulan, ay lumulang lalake at babae, ng lahat na laman, gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon.
Genesis 7:1-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Yahweh kay Noe, “Pumasok kayong mag-anak sa barko. Sa lahat ng tao'y ikaw lamang ang nakita kong namumuhay ng matuwid. Magdala ka ng pitong pares sa bawat hayop na malinis, at isang pares naman sa di-malinis. Pitong pares din sa bawat uri ng ibon ang iyong dadalhin. Gawin mo ito upang magpatuloy ang kanilang lahi sa balat ng lupa. Pagkaraan ng isang linggo, pauulanin ko nang apatnapung araw at apatnapung gabi upang lipulin ang lahat ng aking nilikha sa daigdig.” At ginawa nga ni Noe ang bawat iniutos ni Yahweh. Si Noe ay 600 taon nang bumaha sa daigdig. Pumasok nga siya sa malaking barko kasama ang kanyang asawa, mga anak, at mga manugang upang maligtas sa baha. Sa bawat uri ng hayop, malinis o hindi, sa bawat uri ng ibon at maliliit na hayop, ay nagsama siya sa barko ayon sa utos ng Diyos. Pagkaraan ng pitong araw, bumaha nga sa buong daigdig. Si Noe ay 600 taóng gulang na noon. Noong ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan, nabuksan ang lahat ng bukal sa ilalim ng lupa. Nabuksan din ang mga bintana ng langit. Bumuhos ang ulan sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Pumasok noon sa barko si Noe at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang tatlong anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet at ang kani-kanilang asawa. Pinapasok din niya ang bawat uri ng hayop—mailap at maamo, lumalakad at gumagapang sa lupa, at bawat uri ng ibon. Isang lalaki at isang babae ng bawat may buhay ang isinama ni Noe, ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ni Yahweh ang pinto ng barko.
Genesis 7:1-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)