Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Efeso 2:5-6 - Compare All Versions

Mga Taga-Efeso 2:5-6 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob. Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama niya upang mamunong kasama niya sa kalangitan.

Mga Taga-Efeso 2:5-6 ASD (Ang Salita ng Diyos)

na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.) At dahil sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binuhay tayo ng Diyos mula sa mga patay kasama ni Kristo, upang maghari tayong kasama niya sa kaharian sa langit.

Mga Taga-Efeso 2:5-6 TLAB (Ang Biblia)

Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas), At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus

Mga Taga-Efeso 2:5-6 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob. Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama niya upang mamunong kasama niya sa kalangitan.

Mga Taga-Efeso 2:5-6 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))