Mga Taga-Efeso 2:17-22 - Compare All Versions
Mga Taga-Efeso 2:17-22 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat ang Magandang Balita ng kapayapaan, sa inyong mga Hentil, at sa inyong mga Judio. Dahil kay Cristo, tayo'y kapwa nakakalapit sa presensya ng Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu. Samakatuwid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus. Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.
Mga Taga-Efeso 2:17-22 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Pumarito si Kristo at ipinahayag ang Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan sa inyong mga Hentil na noong unaʼy malayo sa Diyos, at maging sa aming mga Hudyo na malapít sa Diyos. Ngayon, tayong lahat ay makakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu dahil sa ginawa ni Kristo para sa atin. Kaya kayong mga Hentil ay hindi na mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan na itinayo sa pundasyong inilatag ng mga apostol at mga propeta, kung saan si Kristo Hesus ang batong panulok. Sa pamamagitan ni Kristo, ang lahat ng bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. At dahil kayoʼy nakay Kristo, bahagi na rin kayo nitong gusaling itinatayo, kung saan nananahan ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu.
Mga Taga-Efeso 2:17-22 TLAB (Ang Biblia)
At siya'y naparito at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit: Sapagka't sa pamamagitan niya tayo'y may pagpasok sa isang Espiritu rin sa Ama. Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios, Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok; Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon; Na sa kaniya'y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.
Mga Taga-Efeso 2:17-22 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat ang Magandang Balita ng kapayapaan, sa inyong mga Hentil, at sa inyong mga Judio. Dahil kay Cristo, tayo'y kapwa nakakalapit sa presensya ng Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu. Samakatuwid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus. Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.
Mga Taga-Efeso 2:17-22 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))