Mga Taga-Efeso 2:12-14 - Compare All Versions
Mga Taga-Efeso 2:12-14 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo na walang pag-asa at walang Diyos. Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayo na dati'y malayo sa Diyos ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil ang mga Judio at ang mga Hentil ay kanyang pinag-isa. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na parang pader na naghihiwalay sa atin.
Mga Taga-Efeso 2:12-14 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Alalahanin rin ninyo na noon ay hindi nʼyo pa kilala si Kristo; hindi kayo kabilang sa mga mamamayan ng Israel at hindi sakop ng mga kasunduan ng Diyos na batay sa mga pangako niya. Namumuhay kayo sa mundong ito nang walang pag-asa at walang Diyos. Ngunit kayo ngayon ay nakay Kristo Hesus na. Malayo kayo noon sa Diyos, pero ngayon ay malapit na sa kanya sa pamamagitan ng dugo ni Kristo. Sapagkat siya mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan. Inalis niya ang alitang namamagitan sa atin, na animoʼy pader na naghihiwalay sa atin.
Mga Taga-Efeso 2:12-14 TLAB (Ang Biblia)
Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan. Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo. Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay
Mga Taga-Efeso 2:12-14 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo na walang pag-asa at walang Diyos. Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayo na dati'y malayo sa Diyos ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil ang mga Judio at ang mga Hentil ay kanyang pinag-isa. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na parang pader na naghihiwalay sa atin.
Mga Taga-Efeso 2:12-14 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))