Amos 4:7
Amos 4:7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi ko rin pinapatak ang ulan na kailangan ng inyong halaman. Nagpaulan ako sa isang lunsod ngunit sa iba'y hindi. Dinilig ko ang isang bukirin ngunit ang iba'y hinayaang matuyo.
Amos 4:7 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Ako rin ang pumigil sa ulan sa loob ng tatlong buwan bago dumating ang anihan. Pinauulan ko sa isang bayan pero sa iba ay hindi. Pinauulan ko sa isang bukirin pero ang ibang bukirin ay tigang.
Amos 4:7 Ang Biblia (TLAB)
At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo.