Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

AMOS 4

4
Ang Israel ay parurusahan dahil sa kaniyang pagpapahirap.
1Dinggin ninyo ang salitang ito, Oh mga #Awit 22:12. baka ng Basan, na #Amos 6:1. nangasa bundok ng Samaria, na #Os. 5:11. nagsisipighati sa mga dukha, na nagsisigipit sa mga mapagkailangan, na nangagsasabi sa kanilang mga panginoon, Dalhin ninyo rito, at ating inumin.
2Ang Panginoong Dios ay #Awit 89:35. sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan, na, narito, ang mga kaarawan ay darating sa inyo, na kanilang huhulihin kayo ng mga taga ng bingwit, at #Jer. 16:16. ang nalabi sa inyo ay ng mga pamingwit.
3At kayo'y magsisilabas sa mga sira, na bawa't isa'y tuloytuloy; at kayo'y mangagpapakatapon sa Harmon, sabi ng Panginoon.
4Magsiparoon kayo sa #Amos 3:14. Beth-el, at magsisalangsang kayo; sa #Os. 4:15. Gilgal, at paramihin ninyo ang pagsalangsang; at inyong dalhin ang inyong mga hain tuwing umaga, #Deut. 14:28; 26:12. at ang inyong mga ikasangpung bahagi tuwing tatlong araw;
5At #Lev. 7:13. kayo'y mangaghandog ng hain ng pasasalamat #Lev. 23:17. na may lebadura, at kayo'y mangaghayag ng #Ex. 35:29; Lev. 22:18, 21. kusang mga handog at inyong itanyag; sapagka't ito'y nakalulugod sa inyo, Oh ninyong mga anak ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.
6At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan, at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako; #tal. 8-11; Hag. 2:17. gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
7At #Jer. 3:3. akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo.
8Sa gayo'y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
9Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag: ang karamihan ng inyong mga halaman, at ng inyong mga ubasan, at ng inyong mga igusan, at ng inyong mga olibohan ay #Joel 1:4. nilipol ng tipaklong: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
10Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot #Ex. 12:29. na gaya ng sa Egipto: ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak, #2 Hari 13:7. at dinala ko ang inyong mga kabayo; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
11Aking ibinuwal ang iba sa inyo, #Is. 13:19. gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng #Zac. 3:2; Jud. 23. dupong na naagaw sa apoy: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
12Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel.
13Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, #Awit 139:2; Dan. 2:22, 28. at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na #Amos 5:8; 8:9. nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa—ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.

Kasalukuyang Napili:

AMOS 4: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya